COVID-19 cases sa Benguet umabot na sa 13 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
COVID-19 cases sa Benguet umabot na sa 13

ABS-CBN News
Published Jun 07, 2020 04:04 PM PHT

BAGUIO CITY — Umakyat sa 13 ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa Benguet matapos maitala ang isang bagong kumpirmadong kaso noong Sabado, ayon sa lokal na opisyal.

Ang bagong pasyente ay isang 22-anyos na lalaki mula Barangay Balili, La Trinidad, ayon sa mayor ng bayan na si Romeo Salda.

Pahinante ng truck ng gulay ang pasyente na umuwi sa La Trinidad noong Hunyo 2 galing Cubao, Quezon City, ani Salda.

Nagpa-check up sa ospital ang lalaki dahil sa pananakit ng ulo noong Hunyo 3.
Nagpa-check up sa ospital ang lalaki dahil sa pananakit ng ulo noong Hunyo 3.
ADVERTISEMENT
Naka-confine ngayon sa ospital ang lalaki at bumubuti naman umano ang kaniyang kalagayan.

Nagsasagawa na ng contact tracing ang lokal na pamahalaan.

Sa kasalukuyan, 3 lang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa tala ng lalawigan dahil gumaling na ang 10 pasyente.

Sa buong bansa, 21,340 na ang naitalang kaso ng COVID-19, kabilang ang 4,441 na gumaling at 994 na namatay, batay sa pinahuling ulat ng Kagawaran ng Kalusugan hapon ng ika-6 ng Hunyo.

-- Ulat ni Micaella Ilao, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT