Tamang pangangasiwa ng basura, dapat magsimula sa mga bahay: DENR | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tamang pangangasiwa ng basura, dapat magsimula sa mga bahay: DENR

Tamang pangangasiwa ng basura, dapat magsimula sa mga bahay: DENR

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa gitna ng nakababahalang problema ng basura sa bansa, nagpaalala ang Department of Environment and Natural Resources na dapat manggaling mismo sa mga tao ang solusyon dito.

Ayon sa ahensiya, dapat simulan sa mga bahay at barangay ang wastong pangangasiwa ng basura.

Isang halimbawa rito ang Barangay Potrero sa Malabon, na pinarangalan ng Best Solid Waste Management Program award ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa mga bahay pa lang ng mga residente ng barangay, naka-segregate o hiwalay na ang mga basurang nabubulok at hindi nabubulok.

ADVERTISEMENT

Tuwing umaga, kinokolekta ang basura para dalhin sa waste recovery facility ng barangay.

Ang mga basurang nabubulok gaya ng mga pinagbalatan na gulay at prutas ay ginagawang compost at ibinabaon sa lupa para maging fertilizer o pataba.

Ginagawa namang mga coin purse o pitaka ng mga residente ang mga residual waste o iyong mga plastic sachet na nilalagyan ng mga produkto gaya ng kape at shampoo.

RESIDUAL WASTE

Ayon sa environmental group na Mother Earth Foundation, nakababahala ang pagdami ng residual waste dahil hindi ito madaling i-recycle o mapakinabangan muli kaya madalas ay nauuwi lang sa mga basurahan at dumpsite.

Hindi rin nabubulok ang residual waste kaya patuloy umano itong nagiging salot sa kapaligiran.

ADVERTISEMENT

Isa sa mga hakbang na ginawa ng Mother Earth Foundation kontra residual waste ay ang pagpulong sa mga kompanyang nagbebenta ng mga produktong inilalagay sa plastic sachet.

Hinimok ng grupo ang mga kompanya na gumawa ng paraan para mabawasan ang paggamit ng plastic sachet.

"Kung puwedeng palitan nila 'yong materials na dapat if it is compostable or recyclable," ani Mother Earth Foundation chairperson Sonia Mendoza.

Sa pahayag ng Unilever, isa sa mga kompanyang pinulong, sinabi nitong pinag-aaralan na nila kung paano mas magiging "eco-friendly" o iyong hindi nakakasira sa kapaligiran ang kanilang packaging.

Tumutulong na rin daw ang Unilever sa maayos na pamamahala ng mga basura sa ilang lungsod.

ADVERTISEMENT

Nasa higit 40,000 toneladang basura ang itinatapon sa buong bansa kada araw, katumbas ng higit 4,000 malalaking garbage truck, ayon sa DENR.

Nasa 9,000 tonelada rito ay galing umano sa Metro Manila.

-- Ulat nina Apples Jalandoni at Ferdie Dugay, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.