Personal na alitan, isyu sa bahay sinisilip sa pamamaril sa pamilya sa QC | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Personal na alitan, isyu sa bahay sinisilip sa pamamaril sa pamilya sa QC

ABS-CBN News
Published Jun 04, 2019 07:55 PM PHT

Personal na alitan at isyu sa bahay at lupa ang ilan sa sinisilip na motibo ng Quezon City Police District (QCPD) kaugnay ng pamamaril sa isang pamilya sa Barangay Payatas.

Napatay ang mag-asawang Jonathan at Jenalyn Manuel habang sugatan naman ang 2 sa 3 nilang anak matapos silang pagbabarilin noong gabi ng Lunes sa loob ng kanilang bahay.

"Mayroon na kaming nakukuha na mga ebidensiya at statement doon sa mga kakilala at kamag-anak nitong biktima," ani Police Maj. Elmer Monsalve, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD.

"Hindi lang 'yong gusto patayin 'yong mag-asawa pati mga bata," ani Monsalve.
"Hindi lang 'yong gusto patayin 'yong mag-asawa pati mga bata," ani Monsalve.
ADVERTISEMENT
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na 2 suspek ang tumakas sakay ng motorsiklo.

Agarang hustisya ang hiling ng mga kaanak ng mga biktima.

Nagpapagaling at nasa ligtas na kondisyon na ang 3 naulilang anak ng mga nasawi.

Inaasahang makapaglalabas ang QCPD ng composite sketch ng isa sa mga suspek.

--Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
krimen
imbestigasyon
pamamaril
Quezon City
Quezon City Police District
TV Patrol
Doland Castro
TV Patrol Top
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT