1-toneladang bulok na bangus nasamsam sa Dagupan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
1-toneladang bulok na bangus nasamsam sa Dagupan

Joanna Tacason,
ABS-CBN News
Published Jun 04, 2018 01:01 PM PHT
|
Updated Jun 04, 2018 02:24 PM PHT

DAGUPAN, Pangasinan - Kinumpiska ng mga awtoridad ang nasa 1-tonelada ng nabubulok na bangus na tinangkang ipuslit sa Consignacion Magsaysay market sa bayan na ito, Lunes ng umaga.

Wala naipakitang auxiliary invoice ang mga dealer ng mga isdang mula sa mga kalapit na bayan ng Anda at Bolinao, ayon sa city agriculturist na si Emma Molina.

Nitong Sabado, nasabat din ang 3 trak na may lamang 4 na tonelada o 937 na banyera ng mga bangus mula sa mga fish cages sa Anda, kung saan nagkaroon ng malawakang fish kill.

Hindi na maaaring ibenta o kainin ang mga nasamsam na bangus, sabi ng city health officer na si Dr. Ophelia Rivera.
Hindi na maaaring ibenta o kainin ang mga nasamsam na bangus, sabi ng city health officer na si Dr. Ophelia Rivera.
ADVERTISEMENT
"Not good or fit for consumption na kasi maputla na iyong mga hasang, maamoy na, nasa state of decomposition na talaga," paliwanag niya.

Hihigpitan naman ng lokal na gobyerno ang mga checkpoint para matiyak na walang maipupuslit na sirang isda sa lungsod.