Mass testing sa gov't offices ipinanawagan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mass testing sa gov't offices ipinanawagan

Mass testing sa gov't offices ipinanawagan

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 01, 2020 08:02 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa lungsod ng Marikina, hindi lang mga regular na kawani ng city hall ang isasailalim sa rapid testing sa COVID-19 dahil kasama na rin pati volunteer workers.

Kasama rito si Maritess Torral, na lantad kung kani-kanino dahil sa trabaho bilang utility worker sa Marikina Sports Center.

“Para sa amin din ito eh, para malaman namin kung kami ay positive o kung ano, para sa kalusugan din namin,” ani Torral ukol sa testing.

Pero ayon sa grupong Confederation for Unity Recognition and Advancement of Government Employees (Courage), hindi lahat ng opisina ng gobyerno ay may mass testing kaya nababahala sila dahil mas marami ngayong pumapasok na kawani ng pamahalaan sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

ADVERTISEMENT

“Nag-GCQ sila ngayon pero ayan, siguradong dadami na po ang magkakasakit,” ani Courage Secretary General Manuel Baclagon.

Sa Marikina City Hall, pumasok na ngayong Lunes ang trade officer na si Maria Lourdes dela Paz.

Ayon sa kaniya, naka-apat na raw na work week sila at iba-iba ang day off.

Kailangan umano ni Dela Paz na nasa opisina siya para makaharap ang maliliit na negosyong apektado ng lockdown at gustong mangutang.

“Ako po ang mga humaharap sa mga gustong magtanong tungkol sa pautang so kailangan po nanrito ako sa opisina,” ani Dela Paz.

Pero ayon kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro, hinihikayat niya ang mga online transaction.

“Ine-encourage natin ang mga tao na mag-transact digitally na ngayon,” sabi ng alkalde.

Hinikayat ng Civil Service Commission (CSC) ang mga opisina ng gobyerno na magpatupad ng mga sistema tulad ng work-from-home, skeleton force, at 4-day work week para mabawasan ang mga tao sa opisina.

Ayon sa CSC, kailangang matiyak ng mga pinuno ng mga opisina na may health at psycho-social interventions, sapat na personal equipment, at iba pa para sa mga manggagawa.

-- Ulat ni Adrian Ayalin, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.