ALAMIN: Ano ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Ano ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus?

ALAMIN: Ano ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus?

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 01, 2017 09:22 PM PHT

Clipboard

Sa pagdeklara ng pangulo ng batas militar sa buong Mindanao, naging kaakibat na rin nito ang usapin ng writ of habeas corpus. Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng writ of habeas corpus?

Nangangahulugan ang salitang 'habeas' sa Ingles na 'to have' at 'body' naman ang salitang 'corpus'. Ibig sabihin, 'may katawan', ayon kay Atty. Marisol Anenias sa programang Usapang de Campanilla ng DZMM.

Kapag naglabas ng writ of habeas corpus ang Korte Suprema, na siyang may jurisdiksiyon sa mga petisyon ng writ na ito, inuutusan nito ang isang indibidwal o opisyal ng gobyerno na may kustodiya sa isang tao na dalhin ito sa korte upang mapagpasiyahan kung legal o hindi ang pagkakadetine nito.

Kung ilegal ang pagkakadetine rito, kailangang pakawalan agad ang ikinulong.

ADVERTISEMENT

Sa madaling salita, pinoprotektahan ng writ of habeas corpus ang bawat mamamayan mula sa mga ilegal na detensyon at mga pagkakaaresto nang walang ipinakikitang 'warrant of arrest'.

Hindi maaaring idetine ang tao nang higit sa tatlong araw kung hindi pa ito nasasampahan ng kaso.

Ayon sa Bill of Rights ng 1987 Constitution, may karapatan ang lahat ng tao sa due process at maaari lamang madetine kung may inisyu ang korte na warrant of arrest o kung nahuling ginagawa ang krimen. May karapatan din ang lahat ng tao na mapalaya sa detensyon kung naaayon sa batas.

Maaari lang suspendihin ng pangulo ang writ of habeas corpus sa loob ng 60 araw kung may paglusob o rebelyon kung kinakailangan sa kaligtasan ng publiko.

Para mapalawig ang suspensyon, kailangang makakuha ang presidente ng karamihan sa mga boto ng mga kongresista. Ang mga mambabatas ang magsasabi kung gaano katagal mananatili ang suspensyon kapag magpatuloy ang paglusob o rebelyon.

Sa kasaysayan, sina dating pangulong Elpidio Quirino, Ferdinand Marcos, at Gloria Macapagal-Arroyo ang presidenteng nakapag-suspende ng writ of habeas corpus.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.