Critical care level sa 6 rehiyon maituturing na 'high risk' - DOH
ADVERTISEMENT

ABS-CBN News
Published May 29, 2021 03:57 PM PHT
|
Updated May 30, 2021 03:06 AM PHT

MAYNILA – Anim na rehiyon sa bansa ang nasa high-risk level sa paggamit sa intensive care unit (ICU) dahil sa mataas na kaso ng COVID-19, ayon sa isang opisyal Sabado.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang sa mga rehiyong nasa high-risk ang ICU utilization rate ang Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan Valley, Caraga, Central Luzon at Calabarzon na nasa 71 porsiyento na, at Zamboanga Peninsula na nasa 79 porsiyento.

"Bagama't bumababa ang kaso dito sa NCR Plus natin na bubble, nakikita natin naman po ang pagtaas ng mga kaso dito po sa ilang bahagi ng ating bansa, pati na rin po ang paggamit ng kanilang mga ICU beds," ani Vergeire sa public briefing nitong Sabado.

Nakikita naman na dahilan ito ng gobyerno sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa mga nakalipas na araw.
Nakikita naman na dahilan ito ng gobyerno sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa mga nakalipas na araw.
ADVERTISEMENT
Sinabi naman ni Vergeire na pinagaaralan nang maigi ng pamahalaan ang community quarantine restrictions batay sa mga mga ginagamit na pamantayan, tulad ng bilang ng mga bagong kaso at hospital utilization rate.

Tikom si Vergeire sa posibleng desisyon ng Inter-agency Task Force para sa mga industriya na posible nang magbukas o mananatiling sarado sa Hunyo, na iaanunsyo na lang umano ng tagapagsalita ng Malacañang.

"Ang atin pong priority ngayon na binubuksan are the essential sectors para po ’yung ating ekonomiya ay makabawi at magkaroon din po ng sapat na salaries ang ating mga kababayan para hindi sila nagugutom," ani Vergeire.

— Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
high risk
intensive care unit
NCR
National Capital Region
community quarantine
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT