5 fishing vessel na gumagamit ng maliwanag na ilaw, hinuli ng Coast Guard | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
5 fishing vessel na gumagamit ng maliwanag na ilaw, hinuli ng Coast Guard

Lynette dela Cruz,
ABS-CBN News
Published May 29, 2018 08:39 PM PHT

MAGSAYSAY, Palawan—Limang large-scale commercial fishing vessel na may 50 crew na gumagamit ng maliliwanag na ilaw ang nahuli ng Philippine Coast Guard sa karagatan malapit dito sa bayan, Lunes.

Ayon sa Coast Guard, sa ilalim ng Fisheries Code of the Philippines ay ipinagbabawal ang paggamit ng maliliwanag na ilaw o mga "superlight" sa pangingisda dahil nagiging sanhi umano ito ng "overfishing."

"Sa sobrang liwanag, nasa mga around 4,000 watts, talagang lalapit 'yung mga isda. Naa-attract sa ilaw so marami 'yung kuha," ani Merham Sajarani, commander ng Coast Guard Station Cuyo.

"In fact, pati mga dolphin lumalapit doon kasi nakikain, minsan may pating pa," dagdag ni Sajarani.
"In fact, pati mga dolphin lumalapit doon kasi nakikain, minsan may pating pa," dagdag ni Sajarani.
ADVERTISEMENT
Ayon sa mga awtoridad, wala ring shipboard oil pollution emergency plan ang mga nahuling fishing vessel.

Pansamantalang idinaong ang mga natimbog na sasakyang pandagat sa lokal na pamahalaan ng bayan ng Magsaysay habang inihahanda pa ang mga posibleng kasong isasampa laban sa mga may-ari ng bangka.