Sunog sa shopping center sa Laoag City, umabot ng 7 oras bago naapula | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sunog sa shopping center sa Laoag City, umabot ng 7 oras bago naapula

ABS-CBN News
Published May 28, 2021 12:05 AM PHT

Nasunog ang isang palapag ng shopping center sa Laoag City Huwebes ng umaga.

Ayon kay Senior Inspector Ronald Castillo na acting fire marshal ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Laoag City, ang ikatlong palapag ay bodega ng shopping center kung saan puno ng mga ibebentang damit, sapatos, electric wires, at iba pang light materials kaya dahil dito ay mabilis sumiklab ang apoy.

Aminado si Castillo na nahirapan sila sa pag-apula ng apoy.

Bukod sa BFP-Laoag, tumulong na rin ang mga bumbero mula sa mga kalapit na bayan. Dalawampung fire truck ang rumesponde sa insidente.

Ayon kay Castillo, umabot sa ikaapat na alarma ang sunog at pitong oras bago ito naideklarang fireout.

Wala namang napinsala sa una at ikalawang palapag at wala ding nasaktan sa insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng sunog at inaalam pa ang halaga ng pinsala nito.

--Ulat ni Grace Alba
KAUGNAY NA BALITA
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT