'Misteryosong' pag-usok sa dalampasigan sa Bauan, Batangas, inusisa | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Misteryosong' pag-usok sa dalampasigan sa Bauan, Batangas, inusisa

'Misteryosong' pag-usok sa dalampasigan sa Bauan, Batangas, inusisa

ABS-CBN News

Clipboard

BAUAN, Batangas — Martes ng hapon ay magpapahangin lamang sana sa tabing dagat dito ang magkapatid na sina Klent Dave at Carissa Gadinez nang mapansin nila ang tila makapal na usok sa may batuhan.

Nilapitan nang magkapatid ang usok at nakita nilang nag-aapoy rin ang mga bato.

Dahil sa takot, nagtatakbo ang magkapatid at nagsumbong sa kanilang magulang hanggang kumalat na ang balita nang misteryosong pag-usok umano nang tabing dagat.

Miyerkoles nang dumating sa lugar ang mga taga-Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Bauan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, Bauan police, municipal environment office at mga opisyal ng barangay para siyasatin kung ano ang sinasabi ng mga residente.

ADVERTISEMENT

Wala silang makitang dahilan ng pinagmumulan ng apoy at usok, ngunit nakaamoy sila ng pulbura.

Makalipas ang ilang oras, dumating naman ang mga tauhan ng Batangas Police-Explosive and Ordnance Division.

At sa kanilang pagsusuri, napag-alamang ang pinagmumulan ng usok at apoy ay ang kemikal na phosphorus, isang sangkap sa pampasabog, na nagre-react sa matinding init ng araw.

Napag-alamang noong Lunes ay isang mangingisda ang nakabingwit ng lumang bomba sa lugar. Nabutas umano ito matapos pukpukin.

Iniuwi ng mangingisda ang lumang bomba, at ang natapong phosphorus ang naging dahilan umano ng pag-usok at pag-apoy sa tabing dagat.

ADVERTISEMENT

"Natuklasan ng EOD na isa pala itong sangkap ng vintage bomb kasi butas na yung vintage bomb... Sumingaw na yung mga sangkap niya. Yung mga phosphorus, natapon na sa dalampasigan. Tapos yun ang umuusok. Pagdating ng EOD, kinuha ito for proper disposal," ani Police Lt. Col. Karlos Lanuza, hepe ng Bauan police.

"Ang phosphorus, kapag na-expose sa sun, talagang umuusok siya," dagdag niya.

Tiniyak ng mga awtoridad na wala nang banta ng panganib sa lugar kung saan nangyayari ang pag-usok.

Kinuha na rin ng EOD ang lumang bombang natagpuan.

—Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.