Alamin: Ano ang kaibahan ng 'terorismo' sa 'rebelyon'? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Alamin: Ano ang kaibahan ng 'terorismo' sa 'rebelyon'?

Alamin: Ano ang kaibahan ng 'terorismo' sa 'rebelyon'?

ABS-CBN News

Clipboard

Kasunod ng bakbakan sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at Maute group, madalas na ring nababanggit ang salitang ‘terorismo’. Ngunit, ano nga ba ang kahulugan nito at ang pinagkaiba nito sa salitang rebelyon?

Sa programang ‘Usapang de Campanilla’ ng DZMM, ipinaliwanag ni Atty. Claire Castro na mas malawak ang sakop ng terorismo kaysa sa rebelyon.

Aniya, ang rebelyon ay isang kilos kung saan ang isang grupo ay nag-aalsa laban sa pamahalaan, at isa lamang ito sa mga sakop ng terorismo.

Ang layunin ng rebelyon ay makuha ang isang teritoryo at pamunuan ito- isang hakbang na labag sa Konstitusyon.

ADVERTISEMENT

Ang terorismo naman ay anumang kilos na puwedeng maghasik ng pananakot sa kapwa sa isang partikular na lugar upang makuha mula sa pamahalaan ang isang bagay na labag sa batas.

Bukod sa rebelyon, sakop din ng terorismo ang piracy, mutiny, coup d'etat, pagpatay o murder, kidnapping at illegal detention, crimes involving destruction, arson o panununog, at iba pa.

Ayon pa kay Castro, "mas malala" ang parusa sa terorismo kaysa rebelyon.

Bagama't habambuhay na pagkakabilanggo ang nakasaad sa batas na parusa sa mapapatunayang nagkasala ng rebelyon, maaari pa aniya itong bumaba sa 40 hanggang 20 taon base sa mitigating circumstances o mga pangyayaring maaaring magpagaan sa hatol.

Kapag naman napatunayan na nagkasala sa terorismo, 40 taon na pagkakakulong ang parusa at hindi na ito maaaring ibaba.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.