NCR naghahanda na sa epekto ng bagyong Mawar | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
NCR naghahanda na sa epekto ng bagyong Mawar

ABS-CBN News
Published May 25, 2023 07:05 PM PHT

MAYNILA - Naghahanda na ang mga lungsod sa Metro Manila sa mga posibleng epekto ng bagyong Mawar.

May handa nang mga rescue equipment ang Metro Manila Development Authority ngayong inaasahang magdudulot ng malakas na ulan ang bagyo. Kabilang dito ang mga rubber boat na may 8- at 12-person capacity.

Mayroon ding trak at ambulansiya na gagamitin oras na tumama ang bagyo o magkaroon ng malakas na pag-ulan dulot ng mas pinalakas na habagat.

"Itong bagyo ay blessing at curse. Blessing dahil may dala itong tubig... Hopefully mapuno 'yung ating mga dams... Puwede din itong maging curse dahil sobrang dami ng tubig... Puwede magdulot ng pagbaha, gano'n din ang hangin dahil medyo malakas," ani MMDA Chairman Don Artes.

ADVERTISEMENT
Binabantayan ngayon ng mga awtoirdad ang mga lugar na mabilis bahain gaya ng Barangay Roxas sa Quezon City.

Nagsagawa na rin ng pre-disaster risk assessment ang mga lokal na pamahalaan ng Metro Manila, at napag-usapan ang posibleng evacuation.

Titiklupin din ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga bilboard. Mamimigay din ng mga radyo ang mga awtoridad sa mga lokal na pamahalaan upang hindi maputol ang linya ng komunikasyon.

Naka-full alert din ang Philippine Coast Guard sa paparating na bagyo at inabisuhan nito ang mga shipping lines, at may mga abiso na rin ang Civil Aviation Authority of the Philippines na makipag-ugnayan sa airline company para malaman kung may pagbabago sa flight schedules.

-- Ulat ni Robert Mano, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT