Pagbubukas ng one-stop shop sa Matnog Port sa Sorsogon, pinaplantsa ng ARTA | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagbubukas ng one-stop shop sa Matnog Port sa Sorsogon, pinaplantsa ng ARTA

Pagbubukas ng one-stop shop sa Matnog Port sa Sorsogon, pinaplantsa ng ARTA

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

Clipboard


MAYNILA - Magtatayo ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) ng isang one-stop shop sa Matnog Port, Sorsogon para solusyonan ang kaliwa't kanang reklamo ng palakasan at extortion.

Ayon sa isang pahayag ng ARTA nitong Martes, target nitong buksan ang one-stop shop sa Matnog Port sa Hunyo.

Kasunod ito ng mga reklamo mula sa truck owners sa malimit na congestion ng mga pasahero na nauuwi sa extortion.

Batay sa mga reklamo na natanggap ng ARTA, umaabot hanggang sa P8,000 ang hinihingi sa mga hauling trucks para maisingit sa “priority list” ng mga mauunang pasasakayin sa barko patawid ng Allen, Samar.

ADVERTISEMENT

Lumalabas, ayon sa ARTA, na naglalaro lang dapat sa P3,000 ang actual fee na babayaran ng mga truck haulers sa Matnog Port subalit pinapatungan nito na napupunta sa mga fixers at ilang mga tiwaling opisyal sa pantalan.

May pagkakataon din umanong nanghihingi pa ng pera ang mga fixers sa mga pashero para ipambili ng kape at meryenda.

Nitong Biyernes, nakipagpulong na ang ARTA sa mga stakeholders sa Matnog Port at nakipag-ugnayan na rin sa CIDG para solusyonan ang problema sa pier.

Ipinagtataka ng mga opisyal ng dalawang shipping lines na nag-o-operate sa Matnog Port ang “intervention” sa kanilang operasyon ng opisyal ng task force ng local government unit.

Kuwento sa ARTA ng hindi naman tinukoy na mga opisyal ng shipping lines, mistulang sinasapawan ng LGU-created task force ang Philippine Ports Authority o PPA sa Matnog Port.

Ayon kay ARTA Undersecretary Carlos Quita, walang hurisdiksyon ang LGU sa operasyon ng port at hindi nito dapat pinipigilan ang pagsakay sa mga barko ng mga cargo at hauling trucks kung kumpleto naman ang mga ito sa dokumento.

Una nang nag-isyu ng Memorandum Circular No. 2021-01 ang ARTA na nagbabawal sa mga hindi awtorisadong paniningil ng bayarin at taxes sa pagbibiyahe ng mga goods at iba pang produkto.

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.