Duterte, nakaharap na ang mga pulis na dinukot sa Sulu | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Duterte, nakaharap na ang mga pulis na dinukot sa Sulu

Duterte, nakaharap na ang mga pulis na dinukot sa Sulu

ABS-CBN News

 | 

Updated May 19, 2018 06:39 PM PHT

Clipboard

PO2 Benierose Alvarez and PO1 Dinah Gumahad, the policewomen abducted by suspected Abu Sayyaf Group members in Sulu meet President Rodrigo Duterte in Davao City. Courtesy of the Office of the Presidential Adviser on the Peace Process

MAYNILA (UPDATE)- Nakaharap na ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Sabado ang dalawang babaeng pulis na pinakawalan matapos dukutin ng grupong Abu Sayyaf sa bayan ng Patikul, Sulu.

Ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, dakong alas-2 ng hapon nang lumapag sa Davao airport ang sinakyan nina PO2 Benierose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad.

Kasama ng dalawang pulis si Moro National Liberation Front founding chair Nur Misuari nang makaharap nila ang Pangulo, si Go, at peace adviser Jesus Dureza.

Katulong umano si Misuari sa pagpapalaya sa dalawang pulis.

ADVERTISEMENT

Pinakawalan sila nitong Miyerkoles matapos silang dukutin noong Abril 29.

-ulat ni Dexter Ganibe at Maan Macapagal, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.