Guidelines nilagdaan para sa libreng requirements ng mga first-time jobseeker | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Guidelines nilagdaan para sa libreng requirements ng mga first-time jobseeker

Johnson Manabat,
ABS-CBN News
Published May 12, 2023 07:21 PM PHT

MAYNILA — Lumagda ang mga opisyal ng iba't ibang ahensiya ng pamahalaan ngayong Biyernes ng mas klarong joint operational guidelines ng batas na nagtatakda na gawing libre ang pre-employment requirements para sa mga first time jobseekers sa bansa o mga maghahanap ng trabaho sa unang pagkakataon.

Isinagawa ang ceremonial signing sa isang hotel sa Parañaque City na dinaluhan nina Labor Secretary Bienvenido Laguesma, Civil Service Commission Chairman Karlo Nograles, Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy at iba pa.

Naging batas ang First Time Jobseekers Assistance Act noong Abril 2019 at naging epektibo mula Oktubre ng parehong taon.

Ayon kay Bureau of Local Employment Director Patrick Patriwirawan Jr., bagamat nalagdaan na ang Implementing Rules and Regulations o IRR ng batas noong Hulyo 11, 2019, kinailangan pa ng mas malinaw na operational guidelines para rito.

"Sa unang taon ng pag-implement niya, nakita natin yung pagkakaiba sa pag-i-implement ng First Time Jobseekers [Act]. May iba pong mga agencies na hindi agad nakapag-recognize kung sino tung first time jobseekers at ano yung magiging basis nila for identifying na ito ay first time jobseekers," sabi ni Patriwirawan.

"Sa joint operational guidelines mas klaro na po, mas alam na dapat ng member agency natin kung ano yung hahanapin sa first time jobseekers natin," dagdag niya.

Sabi ni Patriwirawan, sa pag-aaral tinatayang aabot sa P2,000 hanggang P2,500 ang nagagastos ng isang aplikante sa pagkuha pa lang ng requirements sa pag-a-apply sa trabaho kaya sa tulong aniya ng batas na ito mas makakatipid ang aplikante sa gastos.

”Ang First Time Jobseekers po natin ay batas para po sa benefit ng ating mga first time jobseekers kung saan makakakuha po sila ng libre na pagproseso ng pre-employment documents katulad po ng NBI, barangay clearance, police clearance and other clearances na kinakailangan ng mga jobseekers po natin,” sabi ni Patriwirawan.

MGA PRE-EMPLOYEMENT REQUIREMENTS NA LIBRE PARA SA MGA FIRST TIME JOBSEEKERS
- Police clearance
- NBI clearance
- Barangay clearance
- Medical certificate from a public hospital
- Birth certificate
- Marriage certificate
- Transcript of academic records issued by state colleges and universities
- Tax Identification Number
- Unified Multi-purpose ID
- Other documentary requirements issued by the government that may be required by employers from job applicants

MGA DOKUMENTO MULA SA GOBYERNO NA HINDI KASAMA SA LIBRENG MAKUKUHA NG MGA FIRST TIME JOBSEEKERS
- Application to take a Professional Licensure Examination with PRC
- Application for a Philippine Passport with DFA
- Authentication of apostille documents with DFA
- Application for a Career Service Examination with CSC
- Application for a Driver’s License with LTO

Ayon kay Patriwirawan, bagamat tinatayang aabot sa P83 milyon ang posibleng mawalang kita o revenue ng gobyerno dito base na rin sa mga applicable fees sa mga ahensiya ng pamahalaan, mas malaki naman ang magiging balik at benepisyo nito para sa labor workforce ng bansa.

Kaya para sa mga first time na maghahanap pa lang ng trabaho, maaaring magpunta sa inyong mga barangay para magparehistro at dito rin makakakuha ng clearance para makapagproseso ng pre-employment requirements.

“Yung una-una nating nilalapitan, yung mga jobseekers po natin ay yung mga PESOs (Public Employment Service Offices). Ang PESOs po ang tumutulong sa atin mga jobseekers kung ano yung mga proseso na kailangan nilang pagdaanan…. Isang beses lang po puwedeng i-avail ang First Time Jobseekers Act,” sabi ni Patriwirawan.

Sa pagkuha pa lang ng NBI clearance simula 2019, tinatayang aabot na sa mahigit 300,000 first time jobseekers ang nakinabang sa batas na ito at nakakuha ng libre ng kanilang pre-employment requirements, ayon sa opisyal.

Read More:
first time jobseekers
jobs
employment
pre employment requirements
First Time Jobseekers Assistance Act
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT