Mga naligo sa Gubat sa Ciudad Resort isasailalim sa swab test | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga naligo sa Gubat sa Ciudad Resort isasailalim sa swab test

Mga naligo sa Gubat sa Ciudad Resort isasailalim sa swab test

ABS-CBN News

 | 

Updated May 11, 2021 11:16 AM PHT

Clipboard

People visit and swim at the Gubat sa Ciudad Resort in Caloocan City on May 9, 2021. Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA - Isasailalim sa swab test ang mga naligo kamakailan sa Gubat sa Ciudad Resort sa Caloocan City para maiwasan ang posibilidad ng pagkalat ng COVID-19.

"'Yong mga nagpunta roon ina-advise natin na mag-quarantine muna sila at ramdaman ang kanilang kalusgan. Ipapa-swab din natin sila," ani Caloocan City Mayor Oscar Malapitan sa panayam sa Teleradyo nitong Martes.

Nag-viral ang mga larawan ng mga naliligo sa resort noong Linggo dahil sa paglabag sa health protocol. Bawal ang mass gathering sa Metro Manila dahil nasa modified enhanced community quarantine ito..

Pinagpaliwanag din ni Malapitan ang chairman ng Barangay 171 kasunod ng insidente.

ADVERTISEMENT

"Sobrang layo kasi ng Gubat sa Ciudad sa kaniyang barangay. Noong nakaraang buwan, sabi niya ay binigyan niya ng babala 'yong nasabing establishment," kuwento ng barangay chairman kay Malapitan.

Inaalam din ng lokal na pamahalaan kung kanino na nakapangalan ang resort para sa ihahaing demanda. Namatay umano nitong taon ang padre de pamilya na siyang may-ari ng establisimyento, ani Malapitan.

Sabi ni Malapitan, hindi muna nila papatawan ng parusa ang mga naligo sa resort. Sisiguraduhin muna nila na naka-quarantine at na-test ang mga pumunta sa resort.

Naghain na ng revocation order ang lokal na pamahalan para bawiin ang business permit ng resort at permanente itong ipasara.

Pinapaaresto rin ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang barangay chairman dahil sa hindi pagpapatupad ng health protocol.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.