Lalaki huli sa vote buying sa Sorsogon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki huli sa vote buying sa Sorsogon

Lalaki huli sa vote buying sa Sorsogon

Karren Canon,

ABS-CBN News

Clipboard

Itinanggi ng suspek na siya ang bumibili ng boto. Naipasa lamang umano sa kaniya ang envelope na may lamang pera at election paraphernalia nang magpulasan ang grupong may hawak nito. Karren Canon, ABS-CBN News

SORSOGON CITY – Arestado ang isang 54 anyos na lalaki matapos maaktuhang sangkot sa pagbili at pagbebenta umano ng boto sa kanilang barangay.

Nasa kustodiya ngayon ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Sorsogon ang suspek na naaresto Sabado ng umaga. Narekober sa kaniya ang mahigit P25,000 na pera at campaign paraphernalia.

Laman ng isang envelope ang list of voters, campaign materials at sample ballot na nakalagay sa isa pang envelope na may P1,700 bawat isa. Nasa P25,000 ang total na halaga ng perang narekober ng CIDG.

Depensa ng suspek, hindi siya ang namimigay ng pera. Nagsitakbuhan daw ang namimigay nito nang dumating ang CIDG at sa kaniya naiwan ang envelope.

ADVERTISEMENT

Hindi daw siya makatakbo dahil na-mild stroke ang kaliwang paa. Napasama lang daw siya sa grupo dahil nagbabaka-sakali siyang mabigyan din ng pera.

Ayon sa CIDG, parehong mahaharap sa election offense ang namimili at nagbebenta ng boto. Makakasuhan din ang mga kandidatong kasama ang pangalan sa mga narekober nilang ebidensiya.

Dagdag naman ni Police Col. Marlon Tejada, provincial director ng Sorsogon, Biyernes lang nang bumuo ang pulisya ng provincial task force laban sa vote buying at selling.

Pangalawa na ang suspek sa nahuli nila sa bilihan ng boto.

Base sa kanilang monitoring, sa Sorsogon City ang namo-monitor nilang talamak ang bilihan ng boto.

Panawagan nila sa mga kandidato na itigil na ang ganitong uri ng aktibidad ngayong eleksiyon dahil magpapatuloy ang kanilang mas pinaigting na operasyon para dito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.