Michael Keon pormal nang ipinroklama bilang mayor ng Laoag City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Michael Keon pormal nang ipinroklama bilang mayor ng Laoag City

ABS-CBN News
Published May 10, 2022 06:17 AM PHT

Opisyal nang idineklara ng Commission on Elections na panalo sa pagka-alkalde ng lungsod ng Laoag si Michael Marcos Keon Martes ng madaling araw.

Nakakuha ng 25,502 boto si Keon, na siya ring kasalukuyang alkalde ng lungsod.

Muli niyang tinalo ang nakalaban din niya noong huling halalan na si dating alkalde Chevylle Fariñas, na nakakuha naman ng 25,342 boto.

Dikit ang laban nina Keon at Fariñas na mayroon lamang nasa 160 na pagkakaiba sa boto.
Dikit ang laban nina Keon at Fariñas na mayroon lamang nasa 160 na pagkakaiba sa boto.
ADVERTISEMENT
Pumangatlo naman sa pwesto si incumbent vice-mayor Toto Lazo na nakakuha ng 16,092 boto.

"I thank our kailian (kababayan) and I thank all the people that supported me, it has been a tough fight. I really have to overcome so many obstacles, in order to stand before you this morning. I just want to say that I am honored and I actually cried," ani Keon.

Ipinangako ni Keon na ipagpapatuloy niya ang kanyang mga nasimulan na gawing isang bagong Laoag ang lungsod.

Ikinatuwa naman nito ang pangunguna sa bilangan ng kanyang pinsan na si Presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr.

"It's now up to BBM, once he wins this election, to carry on the legacy, the greatest president, I believe, the country ever had, President Ferdinand Edralin Marcos," sabi ni Keon. – Ulat ni Grace Alba