ALAMIN: Saklaw ng 'First Time Jobseekers Assistance Act' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Saklaw ng 'First Time Jobseekers Assistance Act'

ALAMIN: Saklaw ng 'First Time Jobseekers Assistance Act'

ABS-CBN News

 | 

Updated May 08, 2019 04:13 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nitong Martes, iniulat pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas kung saan hindi na kailangang magbayad ang mga first-time job-seekers sa kanilang mga papeles na kailangan sa paghahanap ng trabaho.

Ito ang Republic Act 11261 o "First Time Jobseekers Assistance Act," kung saan libre ang mga dokumentong karaniwang kasama sa pre-employment requirements.

Ayon kay Atty. Claire Castro, mahalaga ang pagkakaroon ng ganitong batas lalo't inaabot daw ng libo-libong piso ang mga dokumentong kailangan ng ilang first-time job seekers.

"Sa bagong batas na ito, pinagaan [ang papasanin] doon sa mga first-time job seekers na hindi sila gagastos dahil mawe-waive ang fees... Pero ang purpose dapat, paghahanap ng trabaho," ani Castro.

ADVERTISEMENT

Ayon sa batas, libre na ang mga sumusunod:
• Police clearance
• NBI clearance
• Barangay clearance
• Transcript of academic records mula sa state colleges at universities
• Birth certificate
• Marriage certificate
• Tax identification number (TIN)
• Unified multi-purpose ID (UMID)
• Medical certificate mula sa pampublikong ospital

Hindi kasama rito ang singil para sa aplikasyon para makapag-professional licensure exam at career service exam, pagkuha ng driver’s license, pasaporte, at iba pang dokumento sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Kinakailangan lang magbigay ng barangay certification ang mga first-time job seekers sa pupuntahang government office.

Para kay Castro, dapat nang ilagay sa mga application form kung "first-time job seeker" ang isang aplikante para hindi maabuso ang benepisyong ito.

Kung mapapatunayang nagpapanggap na first-time job seeker ang aplikante, maaari siyang kasuhan ng falsification of public documents.

Nakatakdang ibalangkas ang implemented rules and regulations (IRR) ng batas 15 araw matapos ilathala ang anunsiyo sa mga pahayagan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.