Papeles para maka-apply ang first-time job-seekers, libre na | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Papeles para maka-apply ang first-time job-seekers, libre na

Papeles para maka-apply ang first-time job-seekers, libre na

ABS-CBN News

 | 

Updated May 07, 2019 08:21 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas kung saan hindi na kailangang magbayad ang mga first-time job-seekers ng fees at charges para sa mga dokumentong karaniwang kasama sa pre-employment requirements.

Sa ilalim ng Republic Act 11261 o "First Time Jobseekers Assistance Act," wala nang babayaran ang mga bagitong aplikante para sa mga government documents na kailangan nila sa paghahanap ng trabaho sa Pilipinas o abroad.

Ayon sa kopya ng batas na nakuha ng ABS-CBN News, kabilang sa ililibre ang mga sumusunod:

  • Police clearance
  • NBI clearance
  • Barangay clearance
  • Transcript of academic records mula sa state colleges at universities
  • Birth certificate
  • Marriage certificate
  • Tax identification number o TIN
  • Unified multi-purpose ID o UMID card
  • Medical certificate mula sa pampublikong ospital

Bilang pruweba ng pagiging first-time job-seeker, kinakailangan lang nilang magbigay ng barangay certification.

ADVERTISEMENT

Magkakaroon naman ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng database ng lahat ng nabigyan na ng benepisyo ng batas na ito.

Samantala, di naman saklaw dito ang singil para sa aplikasyon para makapag-professional licensure exam at career service exam, pagkuha ng driver’s license, pasaporte, at iba pang dokumento sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Minamandato rin ng RA 11261 na tulungan ng Public Employment Service Office o PESO sa iba't ibang probinsiya, siyudad, at munisipalidad ang mga job seekers sa pagkompleto ng kanilang mga pre-employment requirements.

Inatasan naman ang kalihim ng Department of Labor and Employment, katuwang ang DICT at iba pang ahensiya, na bumuo ng implementing rules and regulations kapag naging epektibo ang batas 15 araw kasunod ng official publication nito.

1,000 FRESH GRADS DUMAGSA SA JOB FAIR

Dinagsa ng higit 1,000 fresh graduates ng senior high school at college ang career fair na isinagawa ng Commission on Higher Education (CHED) nitong Martes.

ADVERTISEMENT

Aabot sa 25 pribadong kompanya at ahensiya ng gobyerno ang dumagsa sa fair.

Nag-aalok sila ng higit 200 trabaho sa mga industriya ng business process outsourcing, hotel and restaurant, insurance, retail, manufacturing, at construction.

Kabilang sa mga trabahong inaalok ay mga IT support specialist, guest service assistant, restaurant crew, game support specialist, at customer service representative.

Kabilang din sa mga pumunta ang 18 anyos na si Ale Bacullo, na nagnanais na magtrabaho muna para mapag-aral ang dalawang nakababatang kapatid.

Sa kabila nito, pito lang ang hired on the spot at lahat iyon ay mga bagong college graduates, gaya ni Jason Arlan.

ADVERTISEMENT

Pero kampante ang CHED na makakakuha rin ng mga trabaho ang mga senior high school graduates.

"Senior high graduates ready to work and be employed... Lifelong learning naman iyan," ani Atty. Cindy Benitez-Jaro, executive director ng CHED. -- Ulat nina Joyce Balancio at Apples Jalandoni, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.