Pinoy journos ibinahagi ang epekto ng ABS-CBN shutdown sa kanilang trabaho | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pinoy journos ibinahagi ang epekto ng ABS-CBN shutdown sa kanilang trabaho

Pinoy journos ibinahagi ang epekto ng ABS-CBN shutdown sa kanilang trabaho

Mike Navallo,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Malaking puwang ang iniwan sa pamamahayag sa Pilipinas ng pagkawala sa ere ng ABS-CBN eksaktong 1 taon na ang nakalilipas ngayong Miyerkoles.

Madalas itinanggi ng Palasyo na may kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa utos ng National Telecommunications Commission na ipatigil ang broadcast operations ng ABS-CBN at ang desisyon ng 70 kongresista na patayin ang hiling na ma-renew ang prangkisa ng network.

Pero kalaunan, ipinagmalaki rin ito mismo ni Duterte.

Kaya para sa National Union of Journalists of the Philippines, hindi dapat kalimutan kung paano umano ginamit ng Malacañang ang makinarya ng estado para ipasara ang noo'y pinakamalaking media outlet sa bansa, na paglabag sa kalayaan ng pamamahayag.

ADVERTISEMENT

"We refuse to forget how Malacañang wielded the state machinery to clamp down on one of the biggest media outlets in the country. We will not forget all those who were instrumental in this wanton violation of press freedom," anang NUJP.

Ayon sa AlterMidya, ipinakita umano ng ABS-CBN shutdown ang mababang pagtitimpi ng administrasyon sa pambabatikos at kagustuhan nitong kontrolin ang pagbabalita.

"The shutdown of ABS-CBN not only displayed the President’s low tolerance for a critical press, but proved no doubt of his single desire to silence everyone who shows any independent stance. The administration, driven by self-preservation, is hell-bent on controlling the news landscape. It is a disservice to the people and a grand assault to the people’s right to know," ayon sa grupo.

Sabi ng NUJP, nagresulta sa "chilling effect" ang pagpapasara sa ABS-CBN.

"Kung kayang mangyari yan sa ABS-CBN, syempre lahat naman tayo iisipin, paano kung kami naman ang susunod? Paano kung yung newsroom namin ang susunod? Hindi natin matatanggal na may epekto itong shutdown na ito sa how we do the news, how we do our work," ani Jonathan de Santos, NUJP chair.

ADVERTISEMENT

Collateral damage naman ang tawag ni Albay Rep. Edcel Lagman sa libo-libong empleyado ng ABS-CBN.

"We continue to grieve on the first-year anniversary of ABS-CBN's shut down and the suppression of press freedom. Moreover, we also commiserate with the thousands of ABS-CBN's employees who lost their jobs in the middle of an already economically-crippling pandemic. They were collateral damage in the vindictive and baseless closure of the giant network," ani Lagman.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, na mariing sinuportahan ang franchise renewal ng ABS-CBN, ipinakita ng network kung paano ito gumamit ng bagong mga plataporma para maituloy ang paglilingkod sa mga Pilipino.

"Certainly, it sends some chilling effect and in fact dampened the spirits of not just a few. But in the end, nakita rin natin nitong nakaraang taon na you cannot just silence the Filipino people. Hindi pwedeng busalan at hindi kayang busalan ang diwang mapanlaban ng mga mamamayang Pilipino, lalong-lalo na sa gitna ng kahirapan at kagutuman at sa gitna ng tumitinding paniniil ng kasalukuyang administrasyon," ani Zarate.

Kaya para kay UP Diliman media law professor Marichu Lambino, hindi nagtagumpay ang mga pasimuno ng pagpapasara sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT

"Hindi sila nagtagumpay sa pagkitil sa buhay ng ABS-CBN dahil hangga't merong mga mamamahayag sa ABS-CBN, hindi sila magtatagumpay sa pagpatay sa suporta ng ABS-CBN at sa layunin nito na maghayag ng katotohanan. Kahit na po nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN, noon pong bumagyo noong Disyembre... kahit baha, humahangin, sila po yung nanguna sa pag-uulat ng balita. So yun nga po ang nakakatuwa," aniya.

Ang unang anibersaryo ng ABS-CBN shutdown ay naganap dalawang araw matapos ang World Press Freedom day noong Lunes, kung saan sinabi ni Duterte na dapat pahalagahan ang press freedom.

Pero para sa beteranong mamamahayag, salita lamang ito.

"It’s lip service. Because it’s not happening, he’s not protecting the press in the Philippines. He’s actually threatening it. He wanted to control it and he wanted only his views and the favorable reporting about his administration," ani Manny Mogato.

Ang news.abs-cbn.com ay ang opisyal na news website ng ABS-CBN Corp.

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.