32 timbog sa magkakahiwalay na drug ops sa QC | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
32 timbog sa magkakahiwalay na drug ops sa QC

ABS-CBN News
Published May 01, 2018 05:37 PM PHT
|
Updated May 01, 2018 09:07 PM PHT

Arestado ang 32 katao mula sa apat na barangay sa magkakasunod na drug operation ng Quezon City Police District (QCPD) Lunes ng gabi.

Sa Molave, Payatas, nahuli ang walong suspek matapos makuhanan sa surveillance video ng QCPD Station 6 ang aktuwal na abutan at pagbebenta ng shabu ng mga target ng drug operation.

Narekober ng mga pulis ang 18 sachet ng shabu at baril.

Sa Isidora Street sa Barangay Holy Spirit naman, inaresto din ng mga pulis ang apat na suspek matapos maaktuhan ang kanilang drug session.

ADVERTISEMENT
Anim na indibidwal pa ang nahuli sa magkahiwalay na drug operation sa Barangay Holy Spirit at Payatas.
Sa Barangay Kaligayahan sa Quirino Highway, hinuli ng QCPD Station 5 ang 11 na mga drug suspect matapos maaresto sa police checkpoint ang isa sa kanila na nagturo ng kanilang drug den.

Arestado ang pangunahing suspek na nasa drugs watch list ng pulisya.

Samantala, inaresto rin ng QCPD Station 10 ang tatlong suspek sa Barangay Immaculate Concepcion.

Modus umano ng mga suspek na kunwari ay magtinda ng cellphone accessories pero nagbebenta rin pala ng shabu sa mga drayber at konduktor ng bus.

Nakuha sa mga suspek ang may P100,000 halaga ng shabu.

Itinanggi naman ng mga nahuli ang kaso laban sa kanila.

--Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
war on drugs
drug operation
buy-bust
shabu
drugs
QCPD
Quezon City Police District
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT