Medical frontliner sa Pangasinan na nagpositibo sa COVID-19, gumaling na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Medical frontliner sa Pangasinan na nagpositibo sa COVID-19, gumaling na

Joanna Tacason,
ABS-CBN News
Published Apr 28, 2020 03:34 AM PHT
|
Updated Apr 28, 2020 03:49 AM PHT

Gumaling na nitong Lunes ang medical frontliner na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pangasinan.

Bakas ang saya at pasasalamat ng 33 anyos na medical frontliner sa mga kapwa doktor at mga nurse habang kumakaway na lumabas ng Urdaneta City District Hospital.

Nagpositibo ang kaniyang swab test noong Abril 4 at nagpa-admit lang ito sa ospital noong Abril 20 dahil sa sore throat at lagnat.

Ayon sa provincial health office ng Pangasinan, sa 39 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lugar, 11 ay mga medical frontliners, 6 na doktor, at 5 nurse.

Hinigpitan ang proseso sa triaging area ng bawat hospital sa probinsiya lalo na sa pag-assess at screening ng mga suspected COVID-19 cases.
Bukod dito, sumasailalim din sa quarantine ang mga doktor, nurse, at mga medical staff na naka-duty sa mga pasyente ng COVID-19 bago sila pauuwin sa kanilang mga bahay.

“Hinahabilin namin kung ano po iyong mga protective gears na gagamitin po sa triaging, dapat naka-gloves, naka-mask, naka-face shield ang mga tatanggap ng mga pasyente at the same time dinefine natin ano rin iyong mga protective gears sa mga wards,” ani Dr. Anna de Guzman, provincial health officer ng Pangasinan.

Nilinaw ng opisina na kinakailangang masuring mabuti ng inter-agency task force kung itutuloy ang enhanced community quarantine sa Pangasinan hanggang May 15 lalo’t nakakapagtala pa rin ng kaso sa probinsya.

Sa kabuuang bilang na 39 kaso ng COVID-19, 6 ang nananatili sa ospital at inoobserbahan.

Nasa 11 na rin ang bilang ng mga suspected patient under investigation na naka-confine pero wala pang lumalabas na resulta ng swab test.

“Talagang considered po tayo na high risk because of our population. Napakalaki ng Pangasinan, so tinitignan nila at inoobserbahan po ang atin pong performance sa pagkontrol at pag-contain ng COVID cases sa Pangasinan,” ani de Guzman.

Nakikiusap ang opisina sa publiko na obserbahan pa rin ang health at safety measures, physical distancing, at pananatili sa loob ng bahay para makaiwas sa COVID-19.

Read More:
Tagalog News
Regional News
Pangasinan
Urdaneta City District Hospital
COVID-19
coronavirus
recoveries
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT