ALAMIN: Anong gagawin kung wala sa Comelec precinct finder ang pangalan? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Anong gagawin kung wala sa Comelec precinct finder ang pangalan?

ABS-CBN News
Published Apr 26, 2022 08:29 PM PHT

MAYNILA — Napasugod si Leonardo Recosana sa local Commission on Elections office sa Arroceros, Maynila nitong Martes matapos makitang "no record found" ang kanyang status sa online voter verifier o precinct finder ng Comelec, kahit nakaboto siya noong mga nakaraang halalan.

Dalawang beses niya raw tsinek ang kanyang pangalan, pero magkaiba ang resulta.

"Ang nakalagay du'n, una, walang record so we cannot vote tapos nu'ng pangalawa when we checked yesterday, nakalagay naman may record na kaya lang we have the same name with another person na we need to verify... Nakakagulat 'tsaka ngayon pa na napakaimpotante na bumoto ka," aniya.

Nagmadali ring pumunta sa opisina si Rexon Perono nang makitang deactivated ang kanyang voter status sa precinct finder kahit bumoto naman sya noong mga nakaraang halalan.

Nang maberipika sa local Comelec office, mali pala ang spelling ng kanyang apelyido sa records.

"Sa tagal ko nang bumoto eh deactivated ako kaya pumunta ako dito, 'yun pala mali 'yung apelyido ko, pero may nakalagay doon kaya hindi nila makita," aniya.

Binigyan na ng voter's certification ang dalawa at makakaboto na sila sa darating na halalan.

Pero panawagan nila sa Comelec na ayusin ang kanilang system upang hindi magdulot ng kalituhan at pag-aalala sa mga botante.

Una nang sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na ang datos na nakukuha nila ay nagmumula sa mga lokal na sangay ng komisyon.
Ayon naman sa local Comelec office sa Arroceros, sensitive ang precinct finder. Ibig sabihin, kailangan tama ang spelling ng pangalang ilalagay ng botante sa naturang online voter verifier.

"'Yung precinct finder case-sensitive so depende po kung namali 'yung pagkakalagay nu'ng mga spelling or kung ano man at hindi nag-match sa record... Better pa rin na tumawag sa local office concerned para ma-verify kung sila ay talagang active o hindi," ani Gregorio Bonifacio ng Comelec-Arroceros.

Paalala naman ni Garcia sa mga botante, tiyaking nakaboto noong 2018 barangay o noong 2019 national at local elections.

"Kapag hindi po kayo nakaboto sa dalawang magkasunod na eleksiyon na iyon, deactivated po kayo, at wala na pong paraan para ma-reactivate ang atin pong registration, sa susunod na lang po after ng botohan na ito," aniya.

Kung tiyak naman na nakaboto sa 2 nakaraang halalan pero may problema pa rin sa voter status, magtungo sa local Comelec office sa inyong lugar.

Sakaling hindi ma-access ang precinct finder, puwedeng mag-email sa itd@comelec.gov.ph o voterverifier@comelec.gov.ph.

Payo ng Comelec, ngayon pa lang alamin na ang inyong voter status para tiyak na makakaboto sa darating na halalan.

—Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
Halalan 2022
halalan2022
halalan
Comelec
precinct finder
election
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT