Nasa 10k, inaasahang tatanggap ng 2nd COVID-19 booster sa Lunes | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nasa 10k, inaasahang tatanggap ng 2nd COVID-19 booster sa Lunes

Nasa 10k, inaasahang tatanggap ng 2nd COVID-19 booster sa Lunes

Michael Delizo,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Nasa 7,000 hanggang 10,000 na immunocompromised adults ang inaasahang mabakunahan ng Department of Health (DOH) sa unang araw ng pagtuturok ng ikalawang booster shot ng COVID-19 vaccine sa Lunes.

Ayon kay DOH Undersecretary at National Vaccination Operations Center chair Myrna Cabotaje, tinatayang nasa 690,000 ang mga immunocompromised na nakatanggap na ng unang booster.

“Ang nabakunahan natin ng third shot na A3 ay 2.3 million. Mga 30 percent ang ine-estimate nating mga immunocompromised. So, 30 percent of 2.3 million is about 690,000. Tapos 1 percent of that, mga 7 [thousand] to 10,000,” sabi ni Cabotaje sa panayam ng ABS-CBN News ngayong Linggo.

Babakunahan lang sa initial phase ng rollout ng ikalawang booster shot ang mga edad 18 pataas na nasa immunodeficiency state, may HIV, active cancer o malignancy, transplant recipients, sumasailalim sa steroid treatment, pasyenteng may mahinang prognosis o bed-ridden, at iba pang kondisyon ng immunodeficiency na sertipikado ng doktor.

ADVERTISEMENT

Kailangan ay nasa tatlong buwan na ang pagitan mula nang huli silang mabakunahan.

Maaari silang makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan o sa health facility ng komunidad para sa appointment.

Hindi pa kasama sa babakunahan ng ikalawang booster ang mga healthcare worker at senior citizen, pero maaari silang tumanggap ng karagdagang dose kung immunocompromised din sila.

“Hindi pa binibigyan ng go signal ng ating Health Technology Assessment Council [ang second booster sa A1 at A2]. ‘Yung EUA natin ng FDA ay puwede na sa A1, A2, and A3. Pero ‘yung HTAC recommendation ay immunocompromised. Mayroon namang mga immunocompromised sa A1 at saka sa A2, ‘yan puwede nang bigyan pero hindi po lahat ng A1 at A2,” saad ni Cabotaje.

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.