2 lalaki tiklo sa tangka umanong magpuslit ng marijuana sa Isabela | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 lalaki tiklo sa tangka umanong magpuslit ng marijuana sa Isabela

2 lalaki tiklo sa tangka umanong magpuslit ng marijuana sa Isabela

ABS-CBN News

Clipboard

Kuha ng PDEA Region 2

Arestado ang 2 lalaki matapos mabisto sa quarantine checkpoint sa lungsod ng Santiago, Isabela, sa tangkang pagpuslit ng marijuana Huwebes ng madaling araw.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Region 2, nasa 6 na marijuana brick at 1 nakabalot ng tubular form na marijuana ang nakumpiska sa driver at pahinante ng isang trailer truck sa Barangay Sinsayon.

May kabuuang timbang na 6 na kilo ang mga nakumpiskang ilegal na droga, ayon pa sa PDEA Region 2.

Narekober din sa mga suspek ang ilang drug paraphernalia gaya ng rolled aluminum foil at disposable lighter.

ADVERTISEMENT

Bigo rin ang mga suspek na magpakita ng mga kaukulang dokumento para sa mga sawn lumber na karga ng trailer truck kung kaya kinumpiska rin ang mga ito.

Inihahanda na ang mga reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at illegal logging laban sa mga suspek na nasa kustodiya ng Santiago City Police Office. — Ulat ni Harris Julio

KAUGNAY NA BALITA

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.