Libo-libong deboto, nakilahok sa ‘Panaad’ sa Butuan City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Libo-libong deboto, nakilahok sa ‘Panaad’ sa Butuan City

Libo-libong deboto, nakilahok sa ‘Panaad’ sa Butuan City

Lorilly Charmane D. Awitan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 19, 2019 05:49 PM PHT

Clipboard

BUTUAN CITY – Dinagsa ng mga deboto ang taunang Panaad (panata) o Station of the Cross sa Sitio Mahayahay, Barangay Anticala, Butuan City, madaling araw ng Biyernes Santo.

Pasado alas-dos ng madaling araw nang sinimulan ng mga deboto ang kanilang pilgrimage sa paglalakad ng 5 kilometro mula sa ibaba ng bundok papunta sa pang-14 na Stations of the Cross.

Sa tuktok ng bundok, hindi lang makikita ang 3 krus kundi pati na rin ang makapigil-hiningang tanawin sa Butuan City at ibang bahagi ng Agusan del Norte.

Hirap man ang 63-anyos na si Roman Cemine sa paglalakad dahil sa sakit, hindi ito sumukong marating ang 14th station.

ADVERTISEMENT

Ayon sa kaniya, noong hindi pa siya na-stroke, kulang ang kaniyang paniniwala sa Diyos. Pero noong makarekober at makabalik sa pagtatrabaho, doon niya napatunayang may Diyos.

Para sa mga deboto, sa pamamagitan ng pagdalo sa Panaad, sila ay muling nakikipag-ugnayan sa Panginoon.

Sa taya ng Butuan City Police Office, umabot sa 12,000 na mga deboto ang dumalo sa Panaad 2019.

Mahigpit din na ipinatutupad ang seguridad sa Panaad. Aabot sa mahigit 300 kasapi ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines at Bureau of Fire Protection ang naka-deploy sa taunang Panaad.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.