Mga itinuring na persons under monitoring isasailalim na rin sa mass testing | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga itinuring na persons under monitoring isasailalim na rin sa mass testing

ABS-CBN News
Published Apr 18, 2020 08:25 PM PHT

MAYNILA--Isasailalim na rin sa mass testing ang mga pasyenteng dating itinuturing na persons under monitoring para sa COVID-19 sa gitna ng pangambang dumarami ang mga silent carriers ng sakit.

"Kasama ang PUMs sa testing. Not just in Metro Manila, but the entire country," ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles sa isang virtual briefing.

Unang inialis ang "persons under monitoring" sa klasipikasyon ng DOH ng mga pasyenteng susuriin sa virus.

Sa halip, tinatawag na lang na suspect, probable o confirmed ang mga nasabing pasyente, na nagbigay umano ng agam-agam ngayong inalis na ang PUM classification.

ADVERTISEMENT
Sinabi ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na 5 sa mga itinuring nilang PUM ang nahawahan umano ng COVID-19.

Sa ilalim ng bagong klasipikasyon, tinatawang na suspect ang pasyente kung may sintomas ito ng COVID-19 pero hindi pa ito nate-test, habang probable naman ang tawag sa mga naghihintay ng reulta.

Confirmed case ang mga pasyenteng nagpositibo sa virus, batay sa resulta ng mga official testing laboratories.

Samantala, uumpisahan na ang expanded mass testing sa Metro Manila, ayon kay COVID-19 response chief implementer Carlito Galvez Jr.

Aabot sa 8,700 suspected cases ang susuriin nila sa isang polymerase chain reaction test, ang itinuturing na gold standard sa pagsuri kontra coronaviurs.

Giit ni Galvez, ang mass testing ay mahalagang paghahanda sakaling gawing selective na lang ang ipinapatupad na enhanced community quarantine sa bansa.

Sa ngayon may 6,087 kaso ng COVID-19 ang Pilipinas; 519 ang gumaling sa sakit habang 10 naman ang nadagdagang patay.

-- May ulat ni Jeff Hernaez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Abu Sayyaf
engkuwentro
encounter
Sulu
soldiers
Wesmincom
Angelo Andrade
gunshots
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT