4 pulis sinibak dahil sa P60 milyong allowance ng SAF | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

4 pulis sinibak dahil sa P60 milyong allowance ng SAF

4 pulis sinibak dahil sa P60 milyong allowance ng SAF

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sinibak sa puwesto ang apat na dating opisyal ng Special Action Force (SAF) kasunod ng reklamong plunder o pandarambong na isinampa sa Office of the Ombudsman dahil sa umano'y hindi pagbigay ng halos P60 milyong allowance sa mga SAF trooper.

Inireklamo ng plunder at malversation of public funds sina dating SAF director at ngayo'y PNP directorate for integrated police operations Southern Luzon Benjamin Lusad, dating SAF budget and fiscal officer Senior Superintendent Andre Dizon, at kaniyang staff na sina Senior Police Officer II Maila Salazar Bustamante at Senior Police Officer I James Irica.

"They have been relieved. Nasa holding unit na sila," ani Chief Superintendent John Bulalacao, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP).

Nag-ugat ang reklamo sa daily additional subsistence allowance na hindi natanggap ng mga miyembro ng SAF nang ilang buwan noong 2016 at 2017.

ADVERTISEMENT

Nagkakahalaga ng P900 kada buwan ang naturang allowance.

Tiniyak naman ni outgoing PNP chief Director General Ronald "Bato" Dela Rosa na magiging patas ang pulisya sa gitna ng magiging imbestigasyon ng Ombudsman.

"Wala tayong iko-cover-up. Kahit na kilala ko si General Lusad as a very fine officer whom I had many shared experiences back in the academy," ani Dela Rosa. "But this time around, pagdating sa corruption, walang savior savior. You save yourself."

Si Dela Rosa rin ang nagtalaga kay Lusad sa SAF noong Hulyo 2016.

Inilarawan ni Dela Rosa si Lusad bilang kaniyang "tagaligtas" sa Philippine Military Academy (PMA) noong siya ay kadete pa.

ADVERTISEMENT

Miyembro ng PMA Sandiwa Class of 1985 si Lusad, habang PMA Sinagtala class of 1986 naman si Dela Rosa.

"Bubugbugin ako ng Class '85 na may offense ako sa kanila, siya [Lusad] ang nag-save sa'kin," pag-alala ni Dela Rosa.

Gayunman, nanindigan din si Dela Rosa na dapat harapin nina Lusad ang reklamong isinampa.

"Nandiyan na ang kaso e, kinasuhan sila sa Ombudsman, harapin nila 'yan."

Tumangging magbigay ng pahayag ang SAF pero siniguro nilang makikipagtulungan sila sa imbestigasyon.

-- Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.