ALAMIN: Ano ang overseas absentee voting? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Ano ang overseas absentee voting?

ALAMIN: Ano ang overseas absentee voting?

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 16, 2019 12:16 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nagsimula ang overseas absentee voting para sa mga overseas Filipino workers (OFW) sa iba't ibang bansa nitong Abril 13.

Ang overseas absentee voting ay sistema para makalahok ang mga OFW sa halalan kahit na hindi na sila bumalik ng Pilipinas para bumoto.

Naaayon ang sistemang ito sa Republic Act 9189 o Overseas Absentee Voting Act kung saan maaaring bumoto ang mga rehistradong botante na OFW sa pinakamalapit na embahada o consular office.

Sa ilalim nito, maaaring bumoto ng kanilang pangulo, bise presidente, senador, at mga party-list representative ang mga OFW nang hindi na bumabalik sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT

Bibigyan ng isang buwan ang mga OFW para bumoto.

"Sa Pilipinas lang holiday ang araw ng botohan. Sa ibang bansa, hindi po iyan kagaya sa atin na binibigyan sila ng libreng araw para bumoto. Kung kaya nga, ginagawa ng batas, 'yung pinakamabilis at mabuti para sa ating mga kababayan sa ibang bansa," paliwanag ni Atty. Noel Del Prado sa "Usapang de Campanilla" noong Lunes.

Sa ilalim ng overseas absentee voting, maaaring bumoto ang OFW sa embahada.

Kung hindi naman kayang pumunta sa embahada ng botante ay maaaring ipadala na lang sa kaniya ang balota at envelope sa pamamagitan ng koreo o courier.

Kapag tapos nang bumoto ng OFW na botante ay maaari na niyang ipadala pabalik ang kaniyang balota sa embahada o consul, gamit ang envelope na inilaan ng mga awtoridad para rito.

Sa ngayon ay may 1.8 milyong registered na overseas absentee voters.

Magtatagal ang absentee voting hanggang Mayo 13.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.