Mga deboto dagsa sa Panaad o Station of the Cross sa Butuan City | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga deboto dagsa sa Panaad o Station of the Cross sa Butuan City

ABS-CBN News
Published Apr 15, 2022 04:13 PM PHT

BUTUAN CITY – Dinagsa ng mga deboto ang Panaad (panata) o Station of the Cross sa Sitio Mahayahay, Barangay Anticala, Butuan City, madaling araw ng Biyernes Santo.

Hindi naisagawa ang Panaad sa loob ng 2 taon dahil sa pandemya.

Pasado alas-2 ng madaling araw nang sinimulan ng mga deboto ang kanilang pilgrimage sa paglalakad ng 5 kilometro mula sa ibaba ng bundok papunta sa pang-14 na Stations of the Cross.

Sa tuktok ng bundok, hindi lang makikita ang 3 krus kundi pati na rin ang makapigil-hiningang tanawin sa Butuan City at ibang bahagi ng Agusan del Norte.

ADVERTISEMENT
May mga magkakapamilya, magkakaibigan, at mga matatanda ang dumalo sa Panaad. Para sa kanila, sila ay muling nakikipag-ugnayan sa Panginoon sa pamamagitan ng pagdalo sa Panaad.

Mahigpit din na ipinatutupad ang seguridad sa Panaad.
Aabot sa mahigit 300 pulis, sundalo at miyembro ng Bureau of Fire Protection ang naka-deploy sa Panaad.
May mga nagpapaalala rin sa pagsunod sa minimum health protocols gaya ng pagsuot ng facemask at pag obserba sa social distancing.

—Ulat ni Charmane Awitan
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT