Tigil-biyahe ng MRT, sinalubong ng mga reklamo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tigil-biyahe ng MRT, sinalubong ng mga reklamo

Sinalubong ng kabi-kabilang reklamo ang unang araw ng pagpapatupad ng isang linggong tigil-operasyon ng MRT-3 ngayong Holy Week.

Isinara kasabay ng pagsisimula ng Semana Santa ang MRT-3 para para bigyang daan ang maintenance o pagsasaayos ng linya.

Bilang panghalili sa tren, 300 bus ang ipinakalat ng mga awtoridad nitong Lunes para magsakay ng mga pasaherong apektado ng pagsasara ng linya ng tren.

Pero hindi naiwasang magreklamo ng mga pasahero dahil sa kalituhan sa pila at trapikong susuungin sa pagbaybay ng EDSA.

"Pahirapan mag-abang ng bus and then sasagupain mo pa 'yong traffic ng EDSA so imbes na dapat nakasistema tayo sa MRT, ngayon wala, pare-parehas tayong mag-aabang," anang pasaherong si Jack Miranda.

"Talagang kailangan magtiyaga eh," dagdag ni Miranda.

Pero ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Martin Delgra, inaayos na ang sistema sa mga bus.

"There should be more than enough buses to serve 'yong mga mananakay lalo na during the rush hours," ani Delgra.

"Inaayos na natin 'yong sistema... ayaw rin namin na talagang mahaba 'yong pila ng mga buses," ani Delgra.
"Inaayos na natin 'yong sistema... ayaw rin namin na talagang mahaba 'yong pila ng mga buses," ani Delgra.
ADVERTISEMENT
May drop-off at pick-up points ang mga humahaliling bus mula sa North Avenue hanggang Taft Avenue, at magsasakay ang mga ito mula alas-5 ng madaling araw hanggang alas-9 ng gabi.

Kapareho rin ng pamasahe sa MRT-3 ang babayaran, mula P13 hanggang P28.

Kumpara sa mga nagdaang taon, mas mahaba ang maintenance shutdown ng MRT nitong 2019. Ito ay para mapalitan umano ang ilang mahahalagang piyesa at structural testing.

TUGADE MAY PANAWAGAN SA BUS COMPANIES
Aabot sa 350,000 pasahero ang sumasakay ng MRT-3 kada araw kaya kailangan ng karagdagang bus unit, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Kaya naman sa isang pahayag, hinimok ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang mga bus operator na tumulong sa pagbiyahe ng mga pasahero ng MRT-3 na apektado ng tigil-operasyon.

"Sa ating mga kasamahang bus operator, malaki 'ho ang maitutulong niyo sa ating mga commuter kung kayo'y sasali at magbibigay tulong sa programang ito," sabi ni Tugade.

"Maghawak-kamay 'ho tayo sa pagbibigay ng alternatibong transportasyon sa mga Pilipino sa panahong ito na nangangailangan ng matinding pagmimintina ang ating MRT-3," dagdag niya.

Tiniyak din ng DOTr sa mga bus operator na mabilis ang proseso ng pagkuha ng special permit para makabiyahe.

Muling bubuksan sa publiko ang MRT-3 sa Lunes, April 22, pagkatapos ng Semana Santa.

Isasara rin ang LRT Line 1 at 2 mula Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay, at babalik din sa regular na operasyon sa Lunes, Abril 22.

--Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
transportasyon
pasahero
bus
MRT-3
MRT maintenance shutdown
Department of Transportation
Arthur Tugade
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT