Mga baril na gawa ng BIFF, kumakalat na: militar | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga baril na gawa ng BIFF, kumakalat na: militar

Mga baril na gawa ng BIFF, kumakalat na: militar

Arianne Apatan,

ABS-CBN News

Clipboard

Nasabat ang 18 matataas na kalibre na armas, dalawang kalibre 45, at mga parte ng baril na kung aayusin ay aabot ng 30 armas. ABS-CBN News

Umabot na sa mga lalawigan ng Lanao del Sur, Basilan, at Sulu ang mga baril na gawa ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), ayon sa militar.

Nitong Martes, sinalakay ng mga awtoridad ang sinasabing gun factory ng BIFF sa Barangay Pamilian at Barangay Pagatin ng Shariff Saydona, Maguindanao.

Nasabat ang 18 matataas na kalibre na armas, dalawang kalibre 45, at mga parte ng baril na kung aayusin ay aabot pa ng 30 armas.

Sinira rin ng militar ang dalawang gun manufacturing machine na pag-aari umano ng BIFF na nakagagawa ng dalawa hanggang tatlong armas kada linggo.

ADVERTISEMENT

Pero ayon sa militar, hindi lang ang grupo ng BIFF ang nakikinabang sa mga baril na mula sa kanilang gun factory.

Nakatanggap ng report ang Armed Forced of the Philippines na umaabot ito hanggang sa mga probinsya ng Lanao Del Sur, Basilan at Sulu.

"Per monitoring natin, dinadala pa yung iba sa Lanao and some perhaps sa grupo possibly ng Maute before so hindi lang dito sa BIFF. Possibly ibinibenta or ineexchange sa ammunitions or drugs. Kasama na iyan but definitely may compensation, gumagawa sila,” ani Major Gen. Arnel dela Vega, commander ng 6th Infantry Division.

“Malaking kawalan sa BIFF capability ito. Mabawasan strength. Demoralized sila. Kaya kung gusto nila, were giving them opportunities to lay down their arms, we are welcoming them.”

Dagdag niya, dahil sa mga narekober na armas at mga isinukong loose firearms sa Balik Baril Program, malaki ang maitutulong para mabawasan ang karahasan sa papalapit na barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Halos 400 mga baril na ang napapasakamay ng 6ID mula sa Balik Baril Program at mga narekober sa operasyon nitong taon.

Pansamantalang ikukustodiya sa kampo ng 6th ID ang narekober na mga armas atsaka sisirain para hindi na magamit pa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.