TINGNAN: Mga fossil ng lamang dagat natagpuan sa Puerto Princesa | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Mga fossil ng lamang dagat natagpuan sa Puerto Princesa

TINGNAN: Mga fossil ng lamang dagat natagpuan sa Puerto Princesa

Chinee Palatino,

ABS-CBN News

Clipboard

PALAWAN - Nadiskubre kamakailan ang mga fossil ng ilang uri ng kabibe at mga di pa nakikilalang organismo sa Barangay Luzviminda sa Puerto Princesa.

Ang fossil ay ang mga labi o bakas ng mga hayop, halaman, at iba pang mga organismo na namatay mahigit sa 10,000 taon na ang nakalipas.

Ayon kay Rafael Picardal, isang batang mananaliksik ng mga kabibe at lamang dagat, napatunayan ng kanyang pag-aaral na dati ng mayaman ang naturang lugar sa mga kabibe at iba pang mga lamang dagat.

Kabilang sa mga natagpuan ni Picardal sa lugar ay mga fossil ng olive shell, cowrie, little bear conch o sikadsikad, top shell o samong, mga scallop, bivalve shell, conus furvus, cockle, at bagasay.

ADVERTISEMENT

Nakipagugnayan na si Picardal sa University of the Philippines at National Museum upang matukoy ang uri ng iba pang fossil na natagpuan sa naturang barangay.

Umaasa si Picardal na magpapadala ang mga kinauukulan ng mga paleontologist upang masusing mapag-aralan ang mga natagpuang labi.

Hangad din ng mananaliksik na makapag-inspeksyon ang Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) sa lugar upang maproteksyunan ang yamang dagat sa lugar.

Read More:

Palawan

|

fossil

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.