Red alert itinaas sa Davao matapos ang bakbakan sa Bohol | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Red alert itinaas sa Davao matapos ang bakbakan sa Bohol

Paul Palacio,
ABS-CBN News
Published Apr 12, 2017 05:47 PM PHT

Itinaas sa red alert status ang buong pwersa ng Task Force Davao at Davao City Police, Miyerkules, matapos ang engkwentro ng mga pulisya at militar laban sa mga bandidong Abu Sayyaf na naglayag sa Bohol.

Inutusan ni Senior Supt. Alexander Tagum, bagong hepe ng Davao City Police, ang Special Weapons and Tactics (SWAT) unit na tumulong sa pangangasiwa ng seguridad sa Davao City sakaling magtangkang magsagawa ng diversionary attack ang ilang mga taga-suporta ng Abu Sayyaf.

Ayon sa mga awtoridad, daragdagan din ang mga inspeksiyon at mga nagpapatrol na opisyal sa mga pampublikong lugar, lalo na sa mga simbahan at terminal na inaasahang dadagsain ngayong Semana Santa.

Ilang tropa ng militar ang inatasang magbantay sa mga coastal barangay ng Davao City na maaaring daanan ng mga grupong nagbabalak na maghasik ng kaguluhan sa lungsod.

"Mas lalo pa nating i-intensify ang ating security measures kasi we can never tell na nangyari doon sa Bohol might be na diversionary lang yon but the real target is somewhere else," ani Col. Erwin Bernard Neri, commander ng Task Force Davao.

"We cannot discount 'yong Davao City kasi alam naman natin kasi kung baga kung may mangyari dito iba talaga yong impact," dagdag ni Neri.

Nauna ng naglabas ng travel advisory ang Canada laban sa pagbiyahe patungo sa Mindanao, maliban sa Davao City, dahil sa banta ng terorismo.