'Isda kapalit ng noodles, alak': Barter sa Scarborough idinetalye | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Isda kapalit ng noodles, alak': Barter sa Scarborough idinetalye

ABS-CBN News
Published Apr 11, 2019 06:36 PM PHT

Dahil hindi na nawawala sa Scarborough o Panatag Shoal ang presensiya ng China ay natuto na rin ang ilang mangingisdang Pinoy na makipag-barter o palitan ng produkto sa mga banyaga.

Mula pa kasi noong 2016, di bababa sa dalawang barko ng China Coast Guard ang nakabara sa pasukan ng Scarborough na may nakaumang na mga speedboat para manghabol ng sinumang magtatangkang pumasok.

Ang mga bangka ng Pilipinong mangingisda, iiwan na lang sa labas ng Scarborough kahit maalon, at ang dala nilang maliliit na bangka ang lumulusot sa pagitan ng mga bato para mangisda sa gabi.

Pagbalik nila ng madaling araw, saka nila pagpipilian kung aling isda ang pang-daing, pang-ulam, pambenta at pang-barter sa China.

ADVERTISEMENT
"Ipapalit natin 'yan sa China... Gusto nila 'yan... Tingnan natin kung anong gusto nilang ibigay," sabi ni Norman Torres, mangingisda.

Ibinukod nila ang bantol o rock fish at special delivery na hinatid sa pinakamalapit na barkong Tsina.
Pagbalik ng mga mangingisda, ipinakita nila ang kapalit na ibinigay ng China sa kanilang mga sariwang isda.

"Noodles saka alak... Kuripot eh, sabi ko dalawang alak. Sabi isa lang daw," sabi naman ni Romulo Etac, mangingisda.

Wala raw kaso sa kanila kung Tsino ang kapalitan basta’t desisyon nila kung ano ang ibibigay at bukas sa loob nila ang kapalit.

Hindi naman ganito ang naranasan ni Roderick Montemayor noong mga nakalipas na taon.
Hindi naman ganito ang naranasan ni Roderick Montemayor noong mga nakalipas na taon.
ADVERTISEMENT
"Mga tatlong taon na sigurong nakalipas... Sumasampa sila, bubuksan 'yung mga banyera, sila ang pipili ng gusto nilang isda. 'Yung mga mamahalin. Tapos aalis na sila. Walang bayad 'yon. Wala ka nang magagawa, takot ka rin eh," pag-alala niya.

Kaya laking pasasalamat nila na kahit papaano ay nagluwag na sa pagbabantay ang China.

Ilang beses nang naging tampulan ng batikos ang administrasyon dahil sa umano'y malamyang pagtugon sa sigalot sa West Philippine Sea kapalit ng mas magandang relasyon sa Tsina.

Ito ay kahit pa nagwagi ang Pilipinas sa isang arbitration case noong 2016 kung saan sinabing ang bansa ang may karapatan sa naturang katubigan.

—Ulat ni Chiara Zambrano, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
TV Patrol Top
China
Scarborough Shoal
Panatag Shoal
isda
fish
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT