Mga lumang tren ng LRT-1 sasailalim sa rehabilitasyon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga lumang tren ng LRT-1 sasailalim sa rehabilitasyon

ABS-CBN News
Published Apr 09, 2019 10:16 PM PHT

Isasailalim sa rehabilitasyon ang mga lumang tren ng Light Rail Transit (LRT) Line 1.

Bahagi ang rehabilitasyon ng pagsasaayos ng kanilang serbisyo bilang paghahanda sa Cavite extension ng nasabing linya.

Kailangan kasi ng LRT-1 na madagdagan ang bilang ng mga tumatakbong tren lalo na at patuloy ang ginagawang proyekto ng 11.7 kilometrong Cavite extension na magdudugtong sa Baclaran at Bacoor.

"Forty-one to 45 trains po 'yong kailangan natin," ani Light Rail Manila Corporation (LRMC) President Juan Alfonso.
"Forty-one to 45 trains po 'yong kailangan natin," ani Light Rail Manila Corporation (LRMC) President Juan Alfonso.
ADVERTISEMENT
"Kapag dumating po 'yong bagong trains natin from Japan together with this new propulsion system, tama na ho 'yon for that Cavite extension," ani Alfonso.

Kinuha ng LRMC ang Voith Digital Solutions para palitan ang mga makina ng mga 20 anyos na tren ng linya sa halagang P450 milyon.

"We can improve the reliability of the train," ani Andreas Winter, project manager mula sa Voith Digital Solutions.

Titiyakin daw ng Voith na akma ang mga ilalagay na makina sa mga tren at matatapos ang rehabilitasyon sa Pebrero 2020.

Nasa 30 ang kabuuang train sets ng LRT-1. Labindalawa rito ay nabili pa noong 1984 at kailangan nang palitan habang ang 11 naman ay nabili noong 2007.

Taong 1998 o higit 20 taon na ang nakalilipas nang mabili ang natitirang 6 train sets.

Inaasahan namang matatapos ang Cavite extension project sa 2022.

--Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
transportasyon
tren
LRT-1
rehabilitation
LRT-1 Cavite extension project
Light Rail Manila Corporation
Voith Digital Solutions
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT