Boracay, 'record high' ang bilang ng mga turista mula nang magkapandemya: DOT | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Boracay, 'record high' ang bilang ng mga turista mula nang magkapandemya: DOT

Boracay, 'record high' ang bilang ng mga turista mula nang magkapandemya: DOT

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Naitala noong Marso ang "record high" na bilang ng mga turistang pumunta sa Boracay mula nang mag-umpisa ang COVID-19 pandemic, ayon sa Department of Tourism (DOT).

Karamihan umano sa mga pumunta sa sikat na isla ay nag-'revenge travel' o iyong bumawi dahil hindi nakabiyahe bunsod ng mga paghihigpit dulot ng pandemya.

Nakapagtala ang Boracay ng 150,597 turista noong Marso 2022, malapit sa 172,207 na bilang ng mga turista noong Marso 2019 o bago ang pandemya.

Inaasahan ng DOT na tataas pa ang bilang sa paparating na Holy Week.

ADVERTISEMENT

"So close to pre-pandemic levels na sila," ani Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat.

"Siyempre, peak season natin is Holy Week, so tuloy-tuloy [ang] paalala sa safety profocols sa lahat ng accommodation establishments," dagdag niya.

Ayon din sa kalihim, tinututukan ngayon ng kaniyang ahensiya ang booster program ng gobyerno.

Bagaman halos 100 porsiyento na ng tourism workers ang fully vaccinated, 3 sa bawat 10 sa buong bansa pa lang ang nakakapagpa-booster.

Sa Metro Manila, 6 sa bawat 10 tourism worker ang may booster.

ADVERTISEMENT

Umaasa ang ahensiya na domestic tourists muna ang tutulong sa pagbangon ng industriya na nilugmok ng pandemya, lalo't hindi pa umano ganoon karami ang foreign tourists.

Sa Boracay, nasa higit 1,600 pa lang ang foreign tourist na naitatala, kahit record numbers ang nakita ng isla.

Muli namang nagluwag ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa requirements para sa mga parating ng Pilipinas galing ibang bansa.

Kung dati ay negative result ng antigen test lang na ginawa sa laboratory 24 oras bago ang lipad ang tinatanggap, ngayo'y tatanggapin na rin pati galing sa ibang health facility.

"Binago ito because nagkaroon ng confusion kung ano ang lab-based antigen," ani Puyat.

ADVERTISEMENT

"Ang in-approve, as long as it's administered by [a] healthcare professional in a health care facility, clinic, lab, pharmacy or other similar establishments," paliwanag ng kalihim.

Umabot naman sa higit 191,000 ang bilang ng mga turistang dumating sa Pilipinas mula nang magluwag ng border noong Pebrero.

— Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.