Pagsunod sa health protocols pinaalala sa pag-uumpisa ng Ramadan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagsunod sa health protocols pinaalala sa pag-uumpisa ng Ramadan

Pagsunod sa health protocols pinaalala sa pag-uumpisa ng Ramadan

ABS-CBN News

Clipboard

Manila Golden Mosque sa Quiapo noong Abril 2, 2022. George Calvelo, ABS-CBN News
Manila Golden Mosque sa Quiapo noong Abril 2, 2022. George Calvelo, ABS-CBN News

COTABATO — Nagsimula ngayong Linggo ang isang buwang pag-aayuno ng mga Muslim.

Sa kaniyang mensahe para sa paggunita sa pag-uumpisa ng Ramadan, nanawagan si Bangsamoro interim chief minister Ahod Balawag Ebrahim sa buong rehiyon na palakasin ang pagmamahalan bilang Muslim community.

Nagpaalala rin siya, lalo't patuloy pa rin ang banta ng COVID-19.

"Mainam na obserbahan pa rin ang minimum health protocols sa mga aktibidad na isasagawa sa susunod na 4 na linggo," ani Ebrahim.

ADVERTISEMENT

Dahil nataon ang buwan ng Ramadan sa buwan ng pangangampanya sa local at national elections, hiniling ni Ebrahim na sana’y manaig ang kapayapaan, papapasensiya, at pag-intindi sa bawat isa.

"Huwag natin hayaan na makasira sa ating pag-aayuno ang hindi pagkakapareho ng ating mga pananaw sa usapin ng pulitika," aniya.

Sa buong buwan ng Ramadan, ipinagbabawal ang pagkain, inumin, pakikipagtalik at iba pang nakasisira sa pag-aayuno.

Isinasagawa sa buong buwan ng Ramadan ang Taraweeh prayer. Ang salitang Taraweeh ay hango sa salitang Arabic na ang ibig sabihin ay pagpapahinga o makapagpahinga. Isa itong espesyal na pag-aalay ng dasal ng ummah o komunidad.

— Ulat ni Lerio Bompat

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.