Kaanak ng sugatan sa aksidente sa Marinduque, humihingi ng tulong | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kaanak ng sugatan sa aksidente sa Marinduque, humihingi ng tulong

Kaanak ng sugatan sa aksidente sa Marinduque, humihingi ng tulong

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 03, 2022 10:59 AM PHT

Clipboard

Tatlo ang patay habang sugatan ang 28 iba pa matapos mahulog sa bangin ang sinsasakyang jeep sa Marinduque. Pauwi galing kasal ang mga biktima. Courtesy: Marinduque News Network
Tatlo ang patay habang sugatan ang 28 iba pa matapos mahulog sa bangin ang sinsasakyang jeep sa Marinduque. Pauwi galing kasal ang mga biktima. Courtesy: Marinduque News Network

MAYNILA - Humihingi ng tulong ang anak ng isang mag-asawang kabilang sa mga sugatan nang mahulog sa bangin ang sinasakyan silang jeep sa Torrijos, Marinduque nitong Sabado.

Ang mga magulang ni Ryan Regis ay kabilang sa 28 na sugatan sa aksidente. Tatlo naman ang kumpirmadong namatay.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Regis na malubha ang lagay ng kaniyang mga magulang.

Dahil gipit sila sa pera, ginamit niya ang social media upang makahingi ng tulong, na agad tinugunan ng ilang netizens upang makaagapay sa hospital bill.

ADVERTISEMENT

"Hindi ko po kaya na mawala Magulang ko. Mahal na mahal ko po Magulang ko hindi ko kaya na nakikita ko nakahiga sila sa isang kama na hindi naman dapat na higaan nila. ang sakit lang isipin bakit nangyare ito," sabi ni Regis.

Galing sa kasalan ang jeep na sinasakyan ng mga magulang ni Regis bago ito mahulog sa isang bangin.

Kabilang sa mga nasawi ang groom na si Engr. Allan Roldan, isang 10 anyos na bata, at isang lolo, ayon sa hepe ng Torrijos police na si Lt. Lily Nicolas.

Base sa imbestigasyon, nawalan umano ng preno ang jeep, ayon sa drayber na si Roderick Regardo na hawak na ng mga pulis.

Samantala, sa mga nais magpadala ng tulong para sa kaniyang mga magulang, sinabi ni Regis na maaring magpadala sa kaniyang Gcash account na 09380671183.

- ulat ni Reiniel Pawid, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.