Prayer rally para kay Sereno, idinaos sa Baguio | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Prayer rally para kay Sereno, idinaos sa Baguio

ABS-CBN News
Published Apr 03, 2018 02:01 AM PHT
|
Updated Jan 08, 2019 08:59 PM PHT

Nagdaos ng prayer rally at candle lighting ang iba't ibang grupo sa Baguio City para ipabasura ang quo warranto petition laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

"Humihingi tayo ng guidance sa Panginoon upang ang desisyon ng en banc ay maging pabor para kay Chief Justice at magkaroon ng hustisya para sa ating bansa," ani Ninian Sumadia ng Coalition for Justice.

Ang quo warranto petition ay inihain ng Office of the Solicitor General sa Korte Supreme para ipawalang-bisa ang pagkakatalaga sa punong mahistrado noong 2012.

Kinukuwestiyon ng OSG ang pagkakahirang kay Sereno dahil bigo umano ito magsumite ng kaniyang mga Statements of Assets, Liabilities and Net Worth.

Nag-alay naman ng panalangin ang ibang taga-suporta ni Sereno sa Malcolm Square habang isinisigaw na hindi ito ang nararapat na proseso.

Wala rin daw sapat na basehan para tanggalin sa posisyon si Sereno.

"Kalkalin natin ang hustisya. Kalkalin natin ang totoong batas at hindi batas lamang ng iisang tao. Hindi batas lamang ng administrasyong Duterte. Dapat talaga ay mamayani na ang rule of law o due process," ani Maan Adorna ng EDSA Pro Democratic.

Hiling ng ilang grupo na malaman ng publiko ang totoong sitwasyon.

"Para naman maging aware ang mga tao na 'di lang tayo mga mamamayang Pilipino na nakatutok sa social media na kung ano ang ipukol ni Mocha Uson, ni Aguirre, ni Alvarez na di makatotohanang balita ay basta na lang natin lulunukin," dagdag ni Adorna. - ulat ni Marianne Claire Reyes, ABS-CBN News

Read More:
Regional news
Tagalog news
Baguio City
Maria Lourdes Sereno
quo warranto petition
Supreme Court
Office of the Solicitor General
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT