SAPUL SA CCTV: Bata sinagip ng guwardiya sa nasusunog na kotse | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SAPUL SA CCTV: Bata sinagip ng guwardiya sa nasusunog na kotse

SAPUL SA CCTV: Bata sinagip ng guwardiya sa nasusunog na kotse

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 04, 2021 06:39 PM PHT

Clipboard

Video mula sa Bureau of Fire Protection-Davao Region

Pinarangalan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Davao region ang isang guwardiyang sumagip sa isang 3 taong gulang na lalaki mula sa nasusunog na sasakyan.

Nangyari ang pagkilala kay Kenneth Brian Cangke noong Miyerkoles sa culminating activity ng BFP para sa Fire Prevention Month.

Sa kuha ng CCTV sa insidenteng nangyari noong Marso 4 sa Davao City, mapapanood ang pagsagip ni Cangke sa batang nasa loob ng nasusunog na sasakyan sa labas ng isang paaralan.

Mapapanood din na kumuha ng fire extinguisher si Cangke para apulahin ang apoy.

ADVERTISEMENT

Nanawagan ang BFP sa lahat na suriin ang kanilang sasakyan o bahay para maiwasan ang sunog at ingatan ang kanilang anak.

-- Ulat ni Hernel Tocmo

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.