5 anyos na batang babae sa Nueva Vizcaya, nagpositibo sa COVID-19 | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

5 anyos na batang babae sa Nueva Vizcaya, nagpositibo sa COVID-19

5 anyos na batang babae sa Nueva Vizcaya, nagpositibo sa COVID-19

Harris Julio,

ABS-CBN News

Clipboard

Isang 5 anyos na batang babae ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bayan ng Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya.

Ito ang kinumpirma ni Dr. Edwin Galapon na pinuno ng Nueva Vizcaya Inter Agency Task Force on COVID-19 nitong Lunes ng umaga.

“Na-confine yung bata sa hospital ng Cabanatuan (Nueva Ecija) dahil sa UTI. Kasama sa sintomas ay fever kaya kinuhanan siya ng swab sample and it turn out positive for COVID-19,” ayon kay Galapon.

Inaalam na kung paano nahawa ang bata na wala naman travel history sa ibang bansa o kahit sa Maynila kung saan may mga positibong kaso ng COVID-19.

ADVERTISEMENT

“Liblib din yung kanilang lugar. So ang tinitignan natin ay 'yung kaniyang interaction while on travel papuntang hospital sa Cabanatuan,” ani Galapon.

Maliban sa manas ang mga paa ay maayos naman ang kundisyon ng bata na planong ilipat sa Region 2 Trauma and Medical Center (R2TMC).

Bukod sa bata, kumpirmadong tinamaan din ng COVID-19 ang isang lalaking nurse sa R2TMC.

Sa inisyal na impormasyon, ang 27 anyos na nurse ay kabilang sa mga nag-aasikaso ng mga person under investigation na dinala sa isolation room ng ospital.

Maaayos naman daw ang kundisyon ng nurse.

Sa kabuuan, tatlo na ang kaso ng COVID-19 sa Nueva Vizcaya kung saan ang unang nagpositibo sa sakit ay namatay bago pa man lumabas ang resulta ng kaniyang laboratory test.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.