BBM-Sara supporters at Kakampinks ni Leni-Kiko, nagsagawa ng rallies sa London | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
BBM-Sara supporters at Kakampinks ni Leni-Kiko, nagsagawa ng rallies sa London

Joefer Tacardon | TFC News
Published Mar 30, 2022 05:26 PM PHT
|
Updated Mar 30, 2022 05:28 PM PHT

LONDON - Buong pwersa ang supporters ni Uniteam vice-presidential bet Sara Duterte-Carpio sa Trafalgar square kamakailan, ang sentro ng mga protesta sa England.

Iba-ibang grupo mula sa UK ang nag-eendorso sa kandidatura ng alkalde, kabilang ang Davao Kagan Muslim, United Philippine Lesbian Foundation, at isang sangay ng Partido Federal ng Pilipinas, ang political party ni presidential bet Bongbong Marcos.

“Siya lang ang vice-president na alam kong makakapagpatuloy ng ating pagbangon,” sabi ni Enly OC Gagan, founder ng Casilleras Charity Org.UK.

“We have found out that they are a very good tandem. Sana manalo sila. We are supporting throughout,” sabi ni Eva Macadangdang, taga-London.

Kaisa ang ibang Uniteam supporters, sama-sama nilang inawit ang Bagong Lipunan march. Naniniwala ang mga lumahok sa rally sa mensahe ng pagkakaisa ng Marcos-Duterte tandem.

“Let’s try this young generation, and unity that is what we are trying to achieve in here, not being divisive,” sabi ni Noel Ragudo, OFW sa UK.

Sa tanyag na Tower Bridge at tapat ng London City Hall, nagdaos din ng hiwalay na programa ang mga taga-suporta ng tambalang Marcos-Duterte.

Halos limang daang miyembro ng Uniteam UK mula London ang dumalo sa Kumustahan Picnic, kung saan idinaan nila sa sayawan at kantahan ang kanilang kampanya.

“Pinagtatawanan nila ang unity pero to think about it, yun talaga ang kailangan natin lalo na sa pandemya para makalabas tayo, lahat sama-sama tayo,” sabi ni Arvin Burgos, Secretary General ng BBM-Sara Uniteam UK.

“Geopolitics wise, maganda yung kanyang mga plano which is magiging independent tayo from the superpowers” sabi ni Merlyn Pascua, nurse sa UK.

Ipinapares man sa ibang kandidato si Duterte, kumpiyansa ang samahan ng Uniteam-UK na mananaig ang BBM-Sara tandem lalo pa’t nangunguna sila sa mga election survey, at opisyal nang ininderso ng PDP-LABAN Cusi wing bilang standard bearer si Marcos, Jr.

Sa makasaysayang Marble Arch na isa sa mga simbolo ng demokrasya sa London, nagtipun-tipon naman ang mga taga-suporta ni Vice-President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan. Namutiktik sa kulay rosas ang gilid ng kalsada sa pagbuhos ng mga Pinoy mula sa iba’t ibang sektor.

“Hindi siya kurakot at lalong lalo na tapat, angat buhay lahat,” saad ni Mercy Banalnal, domestic worker sa London.

“Siya lang talaga ang most qualified and who has done so much throughout the pandemic, throughout the last six years, with the limited budget she has against all the odds,” sabi ni Mayumi Fukiko, taga-suporta ng Leni-Kiko tandem.

May mga naghandog din ng talumpati, at kumundena sa administrasyong Duterte. May namahagi din ng pink pandesal para sa mga volunteer.

Bitbit naman ng ilang kakampink ang kani-kanilang props at mga placard.

“I believe the track record speaks for herself. She has done a lot for everyone especially for people in the margins, at kaya niya po talagang maging pinuno ng Pilipinas,” sabi ni Earl Burgos, na nag-aral sa UK.

“I like my government servants to be trustworthy but also competent, and I think Leni and Kiko are between those two things. Sila ang tops diyan,” sabi ni Michael Palacios, OFW sa UK.

Tiwala ang Team Leni-UK na ang lumalakas na people’s campaign sa Pilipinas at sa abroad ang magpapanalo kay Robredo at Pangilinan.

Higit 1.6 million ang overseas voters, ayon sa COMELEC. May 29,485 na rehistradong botante sa buong United Kingdom. Postal pa rin ang paraan ng pagboto ngayong taon.

Aarangkada naman ang overseas voting mula alas-otso ng umaga sa April 10, at magtatapos sa alas-dose ng tanghali sa UK, kasabay ng pagsasara ng botohan sa Pilipinas sa Mayo 9.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa United Kingdom, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT