Pagpapalawig ng ECQ sa 'NCR Plus' bubble, pag-aaralan pa | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagpapalawig ng ECQ sa 'NCR Plus' bubble, pag-aaralan pa

Pagpapalawig ng ECQ sa 'NCR Plus' bubble, pag-aaralan pa

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Pag-aaralan pa ng gobyerno kung palalawigin nito ang enhanced community quarantine sa National Capital Region (NCR) Plus bubble pagsapit ng isang linggo.

Ngayong weekend pagpapasyahan ng Inter-Agency Task Force ang pagsasailalim sa mas mahigpit na lockdown protocols, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

"Pinag-iisipan po ito na mabuti ng inyong IATF at sa Sabado nga po, Black Saturday, meron kaming muling pagpupulong para isapinal kung ano nga pong mangyayari… Another week or 2 weeks of MECQ, 'yan ay magiging absolute last resort,” ani Roque.

Sinusuportahan ng Department of Health ang hirit na gawing dalawang linggo ang ECQ sa NCR Plus bubble.

ADVERTISEMENT

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, karaniwang inaabot ng 14 araw ang lockdown bago makita ang epekto nito.

Pero aminado siyang hindi lang isyu ng pangkalusugan ang kailangang isaalang-alang sa desisyon ng extension.

“Ang usapan dun sa IATF nung nagkaroon ng pulong noong Sabado, ay titingnan natin pagkaraan ng isang linggo kung nakakaagapay na ba yung ating mga ospital, naibigay na ba natin yung mga kailangan nilang resources, yung local governments ba na-guide na natin and they're already doing this intensified strategy,” ani Vergeire.

“When we see that at nakita natin na makakaagapay naman tayo kahit dumami pa yung kaso eh na-expand naman natin yung capacity, then maybe we can say that we can lift,” dagdag niya.

Naghihintay pa ng dagdag-datos ang Metro Manila Mayors bago pagdesisyunan kung susuportahan ang pagpapalawig ng ECQ.

ADVERTISEMENT

"Ang incubation period ng virus is 14 days, iyan ang incubation, pero hintayin pa natin ang data po natin para malaman po natin ang irerekomenda natin sa IATF," ani Metro Manila Council chairman Edwin Olivarez.

"Ibabalanse po iyan ng IATF, kaya po iyong hirap ng itong pagcontain nito, pati po ng ekonomiya natin,” dagdag niya.

Puwede nang luwagan sa modified enhanced community quarantine ang NCR Bubble, ayon sa OCTA Research group.

Ayon sa grupo, pagkatapos ng pagpapatupad ng ECQ sa lugar ay maaari nang i-relax sa MECQ o mas mahigpit na GCQ ang lugar depende sa trend ng kaso ng COVID-19.

"Since we are in this situation kailangan natin tanggapin na iyong best best solution maybe a difficult solution, wala namang mga easy solution dito. Hindi naman namin gusto na lockdown lockdown lang kasi maraming mawawalan ng trabaho, money will cost a lot for the government in term so social amelioration, kailangan talaga iyan," ani David.

Samantala, isasailalim sa MECQ ang Quirino Province, mula Abril 1 hanggang 15, habang ang Santiago City sa Isabela ay isasaialim sa MECQ hanggang Abril 30, 2021.

ADVERTISEMENT

Sa MECQ, bawal lumabas ng bahay ang 14 anyos pababa at 66 anyos pataas, habang lilimitahan sa 50 porsiyento ang operational capcity ng ilang opisina at establisimyento at lilimitahan ang mass gatherings.

Mapapasailalim naman sa general community quarantine hanggang Abril 30, 2021 ang buong Cordillera Administrative Region at ilang bahagi ng Region 2 kabilang ang Cagayan, Isabela, at Nueva Vizcaya, maging ang Batangas, Tacloban City, Iligan City, Davao City, at Lanao Del Sur.

Sa GCQ, pinapayagan na rin ang full operational capacity ng maraming industriya, pero may limitasyon pa rin sa leisure at gaming activities, at religious gatherings.

Suportado ni Quirino Governor Dax Cua ang pagsasailalim sa probinsiya sa MECQ lalo’t napupuno na ang mga ospital nila dahil sa tumataas ng kaso ng COVID-19.

Sa Santiago City, Isabela naman nagpatupad na ngayon ng zoming containment strategy sa ilang mga lugar habang naghihintay ng simula ng implementation ng MECQ sa Huwebes.

— Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.