SSS loan na di nababayaran, puwedeng ayusin nang walang multa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
SSS loan na di nababayaran, puwedeng ayusin nang walang multa

ABS-CBN News
Published Mar 28, 2018 10:14 PM PHT
|
Updated Jan 01, 2019 11:39 PM PHT

Hinihikayat ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro nitong mayroong nakabimbing utang na ayusin ito sa pamamagitan ng iniaalook ng ahensiya na loan restructuring program (LRP) with penalty condonation.

Simula Abril 2 hanggang Oktubre 1, 2018, tatanggap ang SSS ng application para sa mga nais sumailalim sa LRP.

Maaaring mag-apply lahat ng miyembrong may hindi nabayarang short-term member loans, tulad ng calamity, salary, at emergency loan, pati na ang mga lumang educational loans.

Sa ilalim ng LRP, maaaring tanggalin ang penalty o multa sa di nabayarang utang at tanging annual interest o taunang interes at principal loan ang kailangang bayaran ng miyembro.

Maaari ring i-consolidate o pagsasama-samahin ang computation kung mahigit sa isa ang loan.

Puwedeng magbayad nang buo kung kakayanin o gawing buwanan ang bayad basta hindi lalagpas ng hanggang limang taon.

Isa itong paraan upang manumbalik ang magandang credit standing o record sa pag-utang ng miyembro ng SSS.

"Gano'n na ang magiging sistema, hanggang sa 'pag nabayaran nila nang buo 'yong restructured loan ay tatanggalin na agad 'yong penalty. So after six months, puwede na uli sila manghiram ng pera sa SSS kapag kailangan nila," paliwanag ni Luisa Sebastian, tagapagsalita ng SSS.

Kung interesadong mag-apply, pumunta lang sa SSS branches at sagutan ang isang form para sa LRP.
Kung interesadong mag-apply, pumunta lang sa SSS branches at sagutan ang isang form para sa LRP.
ADVERTISEMENT
Kasama ng form ay kailangan lang magpakita ng dalawang government ID at affidavit of residency para sa mga may calamity loan, bilang patunay na nakatira o nagtatrabaho sa isang lugar na nasalanta ng kalamidad.

Kung overseas Filipino worker naman, kailangan lang ng authorization letter sa kinatawan na mag-aasikaso ng LRP application.

Paalala naman ng SSS, kapag pumalya pa rin sa pagbabayad ng restructed loan ay may kaakibat itong mas malaking interes.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
TV Patrol Top
Zen Hernandez
utang
loan
Social Security System
SSS
loan restructuring program with penalty condonation
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT