Bus, nahulog sa bangin; 8 sugatan | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bus, nahulog sa bangin; 8 sugatan

Bus, nahulog sa bangin; 8 sugatan

Angelo Andrade,

ABS-CBN News

Clipboard

Nahulog sa bangin ang isang pampasaherong bus matapos itong mabangga ng kasunod na 10-wheeler wing van truck Martes ng gabi, Marso 27, 2018, sa Misamis Oriental. Angelo Andrade, ABS-CBN News

INITAO, Misamis Oriental – Walong pasahero ang sugatan matapos na mahulog sa 6 na metrong lalim na bangin sa Barangay Gimangpang, Martes ng gabi.

Nahulog ang bus sa bangin matapos na mabangga ito ng kasunod na 10-wheeler na wing van pasado alas-9 ng gabi.

"Nauna itong bus nabundol ng wing van kaya nung nalaman namin tumawag kami agad sa pulis at rescue team," sabi ni Richard Go, chairman ng Barangay Gimangpang.

Ayon sa pulisya, galing Pagadian City patungong Cagayan de Oro ang bus na may sakay na 10 pasahero. Walo sa kanila ang nasugatan sa aksidente at agad na dinala sa Misamis Oriental Provincial Hospital Initao. Pero inilipat sila sa Northern Mindanao Medical Center sa Cagayan de Oro.

ADVERTISEMENT

"Sa 8 po, lima ang advised for CT scan tapos may isang pasahero na severely injured. May fracture po ang right shoulder," sabi ni SPO1 Joejoe Cangrehilla, traffic investigator ng Initao Municipal Police Station.

Pansamantalang nakakulong ang driver ng wing van. Sabi niya, agarang nag-full stop ang bus sa kaniyang harapan.

"Nag full-brake siya para kunin yung inspector. Kahit naka-brake ako, inabot ko pa rin siya," sabi ng driver ng truck.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injury ang driver ng truck.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.