Pagputol ng puno, di basta-basta, maliban kung peligroso: DENR | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagputol ng puno, di basta-basta, maliban kung peligroso: DENR

Pagputol ng puno, di basta-basta, maliban kung peligroso: DENR

ABS-CBN News

Clipboard

Nilinaw ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang panuntunan sa pagputol ng mga puno sa gilid ng kalsada, kasunod ng insidente kamakailan ng isang babaeng nabagsakan ng puno ng niyog sa Bulacan.

Ayon kay Environment Undersecretary Jonas Leones, maaari lang putulin ang mga puno sa gilid ng kalsada kung mapatutunayang delikado ito para sa mga residente o motorista.

"Puwedeng ito 'yong maging basis para mag-apply ng tree cutting permit sa ating CENRO (Community Environment and Natural Resources Office) at MENRO (Municipal Environment and Natural Resources Office)," paliwanag ni Leones sa ABS-CBN News.

"Ang gagawin lang diyan, iinspeksiyunin ng DENR. Right then and there kung makita nila (delikado), mabilis lang naman ang pag-issue ng tree cutting permit," aniya.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Inamin kasi ng isang kalihim ng barangay sa Meycauayan, Bulacan na hindi malinaw sa kaniya ang mga panuntunan sa pagputol ng puno.

"Wala kaming malinaw na guidelines regarding sa pagpuputol ng puno, ang alam lang namin bawal talaga," ani Ceferino Guevarra Jr., kalihim ng Barangay Malhacan, Meycauayan.

Ito ay matapos mabagsakan noong nakaraang linggo ng puno ng niyog ang isang babae sa kanilang lugar.

Sa kuha ng CCTV ng barangay, makikita ang dalawang babaeng naglalakad sa gilid ng kalsada sa isang bahagi ng Calle Fabrica sa Barangay Malhacan.

Maya-maya ay biglang bumagsak ang mataas na puno ng niyog. Tumama muna ito sa kawad ng kuryente bago tuluyang humampas sa isa sa mga naglalakad na babae.

ADVERTISEMENT

Sa pag-review sa kuha ng CCTV, makikitang nasagi pala ng isang trak ang puno na napag-alamang bulok na.

Nakaligtas naman ang babaeng nabagsakan ng puno at nakipag-ayos na rin siya sa drayber ng trak na nakasagi sa puno.

Bukod sa Bulacan, ilang kalsada rin sa Quezon City ang makikitaan ng mga punong maaaring makapinsala kung hindi mag-iingat ang mga motorista.

May ilang puno na masyadong mababa kaya maaaring sumabit ang malalaking trak habang mayroon ding nakausli ang katawan sa gitna mismo ng daan.

-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.