Mga Dimple Star bus na nagtangkang bumiyahe, pinigilan ng pulis; mga tsuper umalma | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga Dimple Star bus na nagtangkang bumiyahe, pinigilan ng pulis; mga tsuper umalma

ABS-CBN News
Published Mar 24, 2018 08:18 PM PHT
|
Updated Feb 20, 2020 02:16 PM PHT

Pinigilan ng mga pulis ang biyahe ng mga bus ng Dimple Star Transport matapos suspendihin ang operasyon ng kompanya kasunod ng aksidente ng isa nitong bus noong Martes.

Nasangkot sa malagim na aksidente ang isang bus ng Dimple Star nitong Martes nang dumausdos ito sa bangin sa Occidental Mindoro. Patay ang 19 na pasahero at 21 naman ang sugatan.

Bantay-sarado ng mga pulis ang terminal ng Dimple Star sa San Jose, Occidental Mindoro, kung saan 22 bus ang pinigil nilang bumiyahe.

Sa Oriental Mindoro, 22 bus din ang pinigilang bumiyahe sa Calapan at Roxas port na patawid sana pa-Iloilo.

ADVERTISEMENT
Naganap ang pagharang sa mga biyahe ng Dimple Star mula Biyernes ng gabi hanggang Sabado ng madaling araw.
Inilipat na lang sa pampasaherong van ang higit 400 apektadong pasahero.

Kinansela na rin ang mga advance booking kaya't ang ilang pasahero ay sumugod na para bawiin ang bayad.

Problemado naman ang mga drayber at konduktor ng bus sa suspensiyon.

Nauna nang ipinag-utos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang 30 araw na suspensiyon ng prangkisa ng Dimple Star transport, kung saan kabuuang 118 na bus ang apektado.

"Huwag naman sanang habaan ang suspension...May iba naman kaming ruta, baka puwedeng halimbawa ang Oriental (Mindoro) mabiyahihan," hinaing ng tsuper na si Romnick Luna.

"Sa mahal na Presidente, [pakinggan niyo naman po] both sides, hindi lang po isang side ang titingnan niyo. Iginagalang ko po siya at nirerespeto pero tingnan din po niya ang posisyon ng mga empleyado na mawawalan ng trabaho," giit ni Eppiepearl Abao, asawa ng isang konduktor.

"Paki-usap ko lang po sana huwag lahatin na ikansela lahat ng prangkisa ng Dimple Star," hiling ng konduktor na si Ricky Ganancial.

Ayon naman sa Palasyo, magkakaroon ng pagdinig sa Abril 18 para talakayin ang utos na kanselahin ang prangkisa ng Dimple Star.

"The President likewise ordered the cancellation of the franchise of Dimple Star. In this regard, there will be a scheduled hearing on April 18, where the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) will initiate the processing of the cancellation," ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ayon naman sa mga may-ari ng bus company, hindi muna nila tututukan ang prangkisa at mas iintindihin ang pagtulong sa mga namatay at nasaktan na pasahero.
Boluntaryo silang nagpunta sa headquarters ng pulisya sa Camp Crame Biyernes ng gabi kasunod ng utos ng Pangulo na arestuhin sila.

"Sa prangkisa hindi muna ako tututok. Ang unahin ko tutukan 'yung mga naaksidente na matulungan ko sila sa kanilang pangangailangan," ani Hilbert Napat, may-ari ng Dimple Star Transport.

Humingi rin sila ng tawad at nakiramay sa mga namatayan.

"Hindi naman namin kagustuhan kaya nalulungkot din kami sa nangyari, nakikiramay kami sa namatayan kaya nandito nga kami para sumuko dito para malaman ng tao na kami sincere talaga na malutas ito," saad ng asawa ni Napat na si Nilda.

Pinayagan din na makauwi noong gabi sina Napat.

Pinag-aaralan pa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang kasong isasampa sa mga may-ari ng Dimple Star Transport.
-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
TV Patrol
Dimple Star
Occidental Mindoro
drayber
tsuper
suspension
Land Transportation Franchising and Regulatory Board
LTFRB
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT