Motorcycle rider patay nang sumalpok sa kotse sa Isabela | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Motorcycle rider patay nang sumalpok sa kotse sa Isabela

Motorcycle rider patay nang sumalpok sa kotse sa Isabela

ABS-CBN News

Clipboard

Patay ang isang lalaki matapos sumalpok sa kotseng minamaneho ng pulis ang sinasakyan niyang motorsiklo sa Cordon, Isabela nitong Marso 22, 2021. Retrato mula kay Jay Tiglao Bernardo

Patay ang isang lalaki matapos sumalpok nitong umaga ng Lunes ang sinasakyan niyang motorsiklo sa kotseng minamaneho ng isang pulis sa bayan ng Cordon, Isabela.

Ayon sa imbestigador na si Master Sgt. Jackson dela Cruz, nag-overtake ang kotse sa sinusundan nitong trailer truck nang mabangga nito ang kasalubong na motorsiklo, na nag-overtake din sa sinusundang SUV.

“Baka tutok itong motorsiklo kaya hindi niya napansin ‘yong kotse na nag-overtake. Umuulan din kasi kanina, kaya siguro hindi na sila nagkatantiyahan,” ani Dela Cruz.

Sa tindi ng banggaan, nagpaikot-ikot pa umano ang kotse at nakaladkad din nito ang motorsiklo.

ADVERTISEMENT

Tumilapon sa kalsada ang nasawing motorcycle rider na si Isaiah Norial, na taga-Solano, Nueva Vizcaya.

Nasa kustodiya ng Cordon police ang driver ng kotse na si Patrolman Rodel Guttierez, na nakatalaga sa 1st Provincial Mobile Force Company ng Nueva Vizcaya police. Papunta sana sa trabaho ang pulis nang mangyari ang aksidente.

Inihahanda na ang reklamong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property laban sa kaniya.

– Ulat ni Harris Julio

FROM THE ARCHIVES:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.